"Anak, mag-usap tayo, meron mga armadong lalaking humahabol sa akin, papatayin nila ako anak." "Layuan mo ako Andrea!" sigaw ko at nagmamadali na akong pumara ng taxi. Hinabol ako ni Andrea kahit umaandar na ang taxi. Nagulat ako nang makitang meron itim na van na huminto sa tapat ni Andrea at hinila siya patungo sa loob ng van. Hindi ko matitiis na nasa kapahamakan si Andrea kaya inutusan ko ang taxi driver na sundan ang van. Dinala nila si Andrea sa lugar kung saan ako tinago ni Janine noon, sa isang under ground. "Si Janine ang kumidnap kay Andrea?" tanong ko sa sarili. Bumaba ako agad ng taxi at pumasok ako sa loob. Nakapasok ako sa kanilang hide out Nakita ko si Janine at mga tauhan niya, nang makita ako ni Janine ay binaril nila ako. Pumasok agad ako sa isang kuwarto kung na

