"Philip, alam kong naririnig mo pa ako. Gusto kong humingi ng tawad sa 'yo. At gusto kong malaman mong mahal na mahal ko ang anak mo. Huwag kang mag-aalala sa kaniya. Lagi kong siguraduhing ligtas siya, susundan ko pa rin siya kahit saan tulad mo ay ayokong mapahamak siya at masasaktan. Alamin ko rin ang totoong nangyayari sa 'yo. Hawak ko na ang cellphone mo, hindi lang namin mabuksan dahil meron password. Huwag kang mag-alala ibabalik ko kay Natasha ang phone mo kapag makakuha na ako ng sapat na ebedensiya kung sino ang totoong pumatay sa 'yo." Mula nang mailibing si daddy ay wala na akong ibang ginagawa kung 'di ang maglalasing. Wala akong alam kung ano ang dapat kong gawin. Nasasaktan ako saka, hindi ko pa kayang mag-isa. Si daddy lang ang lakas ko, pero ngayong wala na siya, ay

