"Manong, mag-seatbelt ka lang, buhay muna natin ang isipin mo manong, huwag kang mag-aalala ako na ang bahala." turan ko kay manong driver, alam ko kasing hindi siya ang may-ari ng taxi, na inuupahan niya lang 'to. Nakasunod pa rin sa amin ang sasakyang bumaril sa amin. Pinaputukan pa rin kami ng baril. Pero hindi pa rin ako sumusuko pinaharurot ko pa rin nang takbo. Nang makakita ako ng gasoline station ay agad akong lumiko at kunwari ay magpapagasoline mabuti na lang maraming tao at meron guard sa lugar na iyon. Kinuha ko ang aking cell phone. Nagulat ako nang makita ko si manong na duguan. "Manong, meron kang tama?" "Marami akong anak ma'am ayokong mamatay." "Halika talian muna natin ang sugat mo upang hindi ka maubusan ng dugo. Dadalhin kita sa ospital. Tinanggal ko ang aking bl

