SUNNY’S POV Nagmulat ako ng mga mata ko at saka ako napatingin sa sarili ko sa salamin at napahilamos ako sa mukha ko dahil sa kakaibang panaginip. Hindi ko alam kung bakit gano’n at pakiramdam ko ay totoo ang lahat ng nangyare. Napabuntong hininga na lang ako. Bumangon na ako at saka naligo para na rin maghanda. Bumaba na ako at saka ko naman nakita si Mama na no’n ay naghahanda na nang umagahan namin. Binati ko sya kaagad at ngumiti naman sa ‘kin si Mama. Kumuha ako ng tinapay sa lamesa at saka naman ako nagtimpla ng kape. “Kamusta ang tulog mo?” tanong ni Mama sa ‘kin. “Maayos naman, Ma,” sagot ko at saka ako tumingin sa orasan at saka ako dagling tumayo. “Alis na ako ma baka ma-late ako, e,” paalam ko at saka ako lumabas ng bahay. Ang gulo lagi ng buong paligid na para bang l

