SUNNY’S POV Nang makaalis na kami sa mundo ng mga ntao ay bumalik kami ulit sa paglalakbay. Hindi ko nga alam kung anong nangyare at doon kami dinala pero buti na lang at hindi agad nalaman nila Tita na nasa mundo kami ng mga tao. Mabilis kasi nila kaming mararamdaman lalo na ako dahil na rin sa lakas ng kapangyarihan ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang hindi mapalingon kay Lili at hindi ko alam kung bakit parang may nararamdaman akong hindi tama ngayon. Kung ano man ‘yong nararamdaman ko ay sana mali ako at sana ay hindi ‘yon totoo. Hinawakan ni Blaze ang kamay ko at nangunot ang noo ko sa ginawa nya. “Hindi ba p’wedeng alisin mo ang kamay mo kapag naglalakad tayo?” inis na sabi ko na sya namang ikinalito nya. “Bakit naman my loves? Tayo na rin naman kaya p’wede tayong

