THIRD PERSON’S POV Hindi alam ni Thelia kung paanong patitigilin si Mysty. Hindi naman pumigil si Aldemous at alam nyang mangyayare ang bagay na ‘yon sa oras na malaman ito ni Mysty. Pero sa kabilang banda ay nagkakagulo na sila Destin, Jarea, Melina, Mina at ang iba pang mga dyosa at dyos dahil sa nasasaksihan nila. Napahinto si Mysty nang maramdaman na nasa panganib ang ang anak nya at saka sya tumingin sa kung saan at tila may kung ano syang hinahanap. Hindi naman sya ginantihan ni Aldemis pero dama naman nito ang galit ng kanyang anak at nauunawaan nya ang kung anong nangyare. Mabilis na nawala si Mysty at gano’n din si Al at saka sila pumunta sa kung nasa’n maaring panoorin si Sunny. Tumingin si Thelia kay Aldemis at saka ito nilapitan. “Sa oras na may kung anong mangyare kay

