BLAZE’S POV Agad naman naming sinunod ang sinabi ni Sunny at nagulat kami sa sunod na nangyare. Sabay-sabay kaming napatayo at saka lumipad pataas at nakita ang kung anong nangyare sa buong paligid. Isang malakas na hangin ang gumiba sa kalahati ng field at ang malala pa nito ay ang iba pang bahay sa labas at ang palasyo ay gano’n rin. “A-anong nangyare?” hindi makapaniwalang sabi ni Rham. “Hindi ‘to p’wede,” sabi naman ni Zemji. Tumingin ako kay Sunny at nakita ko kung paano syang kumuyom ng kamay nya at sa kung paano nyang tinignan ang buong paligid na tila may hinahanap sya. Sa bilis ng kilos nya at walang nakakaalam sa kung anong gagawin nya ay hindi na rin pa namin sya nahabol agad. Pero napatingala kami dahil na rin sa kakaibang ulap na nasa ibabaw at mero’n pa itong pagkulog

