SUNNY’S POV Nilapitan ni Xemi si Xena at saka nya ito niyakap at niyakap rin naman sya ni Xena. Halata sa kanya ang pag-aalala at alam kong kahit na hindi sila magkapatid sa ama ay tinuturing naman nilang totoong magkapatid sila sa ina. “Nasaktan ka ba? May masakit sa ‘yo?” tanong ni Xemi. “W-wala,” sagot naman nito. Agad kaming naglabas ng espada ng bigla na lang may sumulpot na lalake at saka sya tumingin sa aming lahat at ngumiti ito kay Xena. “Hindi ko alam na mero’n ka pa lang bisita?” ani nito. Tumingin sya sa ‘kin at may kakaiba akong nararamdaman sa kanya pero hindi ko mawari kung ano ‘yon. Napakurap naman ako ng humarang si Blaze at saka ako napabuntong hininga. Minsan talaga wala sya sa lugar kung mag-inarte. Sumilip ako sa lalake at mula sa kanyang aura ay may nararamd

