SUNNY 2: CHAPTER 38

2361 Words

BLAZE’S POV Sa totoo lang gusto kong sumigaw at sabihin ang lahat ng hinanakit ko pero hindi ko magawa. May mga bagay talaga na syang sisira sa lahat ng mga gusto mong makapit at isa na ro’n ang taong kinamumuhian mo ng buong buhay mo. Mag-isa ako ngayon sa rooftop at nakahiga lang ako habang ang isang kamay ko ay nakalagay sa ulo ko na para bang unan. “Masyadong tirik ang araw para dito ka matulog at magpahinga ng ganyan.” Napatingin ako sa biglang sumulpot at umupo sa may tabi ko. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t busy ka?” ani ko at saka sya tumawa ng pagak. “Masyado mo naman akong minamaliit. Isa pa ay alam kong sasabihin din sa ‘yo ni Sunny ang tungkol sa kalagayan nya.” Bumuntong hininga ako at saka ako tumingin sa kanya at umupo ako para naman magkapantay kaming dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD