ZANK’S POV Kakaiba ang pakiramdam ko sa pagkakataon na ‘to. Habang naglalakad kami ni Liana ay napahinto ako. Napatingin sya sa ‘kin at saka napakunot ang noo at tumingin ako sa kalangitan. Tumingala rin sya at tinignan rin ang tinignan ko. “Hindi ko alam kung may saltik ka o baka naman pinagdadasal mo na sana ikaw na lang ang minahal ni Sunny?” ani niya at napangisi ako. “I’m not that kind of bullshit anymore,” sabi ko naman at tumawa sya ng malakas. “Gusto kong maniwala sa sinasabi mo pero baka mamaya ay iba pala ang sinsabi ng puso mo?” asar pa nito. “Can you just shut up?” “May hindi magandang nangyayare ngayon at hindi ko alam kung ano ‘yon. Pero kung ano man ‘yon, tingin ko ay hindi naman gano’n kalala.” Lumakas sya at saka ako napabuntong hinga at naglakad na lang din.

