KADADATING lang ni Kalel sa kanyang condo unit galing sa sementeryo. Dinalaw niya kasi ang puntod ng kanyang yumaong ina.
Kumuha agad siya ng beer sa refrigerator at uminom. Hindi naman siya apektado sa mga sinabi ng matanda, pero napapaisip pa rin siya kung sakaling totoo nga iyon. Ano ang gagawin niya? Sino naman sa mga nakabangga niya ang babaeng iyon? Sa dinami-dami ng mga tatanga-tangang babae na nakabangga na niya, sino kaya sa mga iyon?
Napapailing siyang naupo sa couch. Pumikit siya at hinilot ang sintido.
"How terrible," sambit niya habang ibinabato ang beer can patungong trash bin. Hindi ito pumasok, pero hindi na niya pinag-abalahan pang damputin.
Tumunog ang kanyang cellphone. Kaya tumayo siya para tingnan kung sino ang nag-text. Nang makita kung sino, lalo pang uminit ang ulo niya.
Ang kanyang stepmother na si Shirley ang nag-text. Pinapauwi siya ng bahay dahil may hapag-kainan na gaganapin.
"Why is she inviting me for dinner? Something's off—she's never been like this before," sabi niya habang pumikit muli at inilalagay ang cellphone sa tabi niya. Humiga siya at muling pumikit.
Nagkibit-balikat lang siya dahil wala siyang ganang pumunta. Mula nang mamatay ang kanyang ina, parang nawalan na rin siya ng gana na manirahan sa bahay nila at makasama ang kanyang stepmother. Hindi naman naging masama ang turing sa kanya nito, pero noong ipagpilitan nitong makipag-date siya kay Briana, hindi na niya ito nagustuhan. Bakit si Briana? Marami namang mas magaganda at matinong babae.
Hindi niya gusto na diktahan siya ng mga gagawin at desisyon niya sa buhay ng sinumang tao, maliban na lang sa mga utos ng kanyang ama. Hindi naman sa ayaw niya sa kanyang stepmother, pero ang hindi niya matanggap ay ang dikdikin pa nito ang kanyang puso—kung sino ang mamamahalin niya.
Humiga siya sa sofa at pumikit. Ayaw niya talagang pumunta dahil simpleng hapag-kainan lang naman ito, pero nag-text din ang kanyang ama. Hindi siya maaaring tumanggi.
Sa halos sampung taon niyang paninirahan sa Estados Unidos, nagsimulang magbored siya matapos niyang tapusin ang pag-aaral. Doon na siya nanatili mula noong siya ay nag-aaral pa sa high school at hanggang sa makatapos ng kolehiyo.
Ayaw niyang sabihin sa kanyang ama na uuwi na siya dahil gusto niya itong surpresahin. Kaya labis ang kanyang pagtataka kung bakit nalaman ng mga ito na nakauwi na siya. Sa palagay niya, may mga tauhan ng Ayala Entertainment na nakapagsabi sa kanyang ama. Unang araw pa lang ng kanyang pag-uwi ay doon kaagad siya nagtungo. At doon din niya nakabangga ang babaeng napakayabang—at siya rin ang unang babae na nagpahiya sa kanya. Talagang nagulat siya sa kanya.
"Why do I even have to go there?" bulong niya nang may galit, pero wala siyang magagawa kundi sundin ang kanyang ama.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nag-spray siya ng pabango na may tamang bango at cool na aroma, saka lumabas na ng kanyang condo unit.
Sumakay na siya sa kanyang bagong kotse. Ipinajunk na niya kaagad ang nasirang kotse noong kamakailan lang. Pwede naman itong ipaayos dahil windshield lang naman ang nasira, pero parang sinasakal siya tuwing nakikita ito dahil maaalala lang niya ang babaeng naging dahilan ng pinsala. Mayaman naman siya, kaya anumang oras ay makakabili siya ng bagong modelo ng sasakyan.
Pagkarating sa labas ng mansyon, agad siyang pinagbuksan ng gate ng mga security guard. Inaasahan na kasi nila ang kanyang pagdating dahil ipinaalam niya sa kanyang ama ang kanyang sasakyan.
Agad siyang bumaba mula sa kanyang kotse. Maraming kababaihan ang napapatingin at napapatiling makita siya. Maganda ang kanyang paglalakad nang makalabas ng kotse.
Daig pa niya ang prinsipe. Napakagwapo at kaakit-akit niya sa kanyang suot. Napakagwapo niya sa itim niyang long-sleeved shirt at puting maong. Simple lang, pero ang astig ng dating. Totoo namang napakagwapo niya, kaya kahit anong isuot ay bagay sa kanya.
Pagkatapos ng ilang sandali matapos makababa ng kotse si Kalel, inanyayahan siya ng mga bisita sa lawn. Nilampasan na niya ang mga ito dahil hindi niya naman sila kilala.
"Is that Kalel, Sebastian's only son?" mga bulong ng mga tao sa paligid. Kumilos siya nang natural—hindi naman nakakabawas ng kaguwapuhan kahit na dedmahin niya ang mga ito.
Ngumiti lang siya sa mga bisita habang lahat ng naroroon ay nakatingin sa kanya habang siya ay naglalakad papasok.
Lumakas pa ang mga bulungan habang papasok na siya ng bahay.
"Is that Sebastian's son?"
"Yes he is. He's not a kid anymore."
"Right—he's a grown man now."
Napagchismisan pa rin siya ng iba nang harap-harapan. Ang ilan ay nagsitanguhan lang at ngumiti sa kanya habang dinadaanan niya ang mga ito.
Hindi niya inaasahan na isang pagtitipon pala ang nangyayari sa mansyon at hindi lang simpleng hapag-kainan.
Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na babae. Nakatalikod ito habang nakikipag-usap sa mga bisita. Hindi na sana siya mag-aabala pang lapitan ang mga ito, pero napansin siya ng isang bisita at ngumiti sa kanya, kaya lumingon ang babae.
Agad na nagpaalam ang babae sa mga kausap at nilapitan siya. "Hi! It's been so long. How are you?"
Naging pormal ang kanyang mukha. "I'm fine. And you?"
Ngumiti ito ng napakatamis. "Of course I'm fine—I get to see you now. I've missed you so much, Kalel." May tunog na paglalandi sa boses ng babae.
Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ng babae. Wala siyang pakialam sa damdamin nito. Hindi niya ito gusto. Naiirita siya tuwing nakikita ang mukha ni Briana. "Alright. Excuse me, but I have to go."
Hawakan siya nito para pigilan. "Stay here for a bit, come on. We haven't seen each other in ages, and now you're leaving right away. Your parents are busy talking to their business partners anyway. I've missed being with you—please stay."
"I'm sorry, Briana, but I really have to go. I'll see you later."
Asa ka pa, Briana, na babalikan ka niya mamaya. Naiirita siya kapag nakikita niya ang babae, kaya dapat itong tumigil sa pag-arte na mahalaga siya sa kanya.
Nainis ito sa ginawa ni Kalel. "You never care about me, do you? Just wait—one of these days, you'll be on your knees in front of me. Mark my words." Ngumisi ito. "I'll see you later."
Nakasalubong naman ni Kalel ang kanyang ama na palabas na rin ng silid. "Good evening, Dad," bati niya sa ama. Pagkatapos ay nakipagkamay na rin siya sa mga kasama nito.
"Is this your son, Sebastian?" tanong ng isang kasama ni Sebastian na may ngiti.
"Yes he is. It feels like just yesterday he was a little boy when he left here. But now—look at him, he's a grown man who can handle great responsibility," masiglang sagot ni Sebastian sa kasama. Binalingan niya ang kanyang anak. "Am I right, son?"
Ngumiti lang siya at tumango dahil hindi niya alam ang sasabihin sa kanyang ama. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito.
"Sir, dinner is ready," sabi ng receptionist.
Tumango lang sila at pumunta na sa inilaang mesa para sa kanila.
Nagsitipon na ang lahat dahil magsisimula na ang hapag-kainan. Pagkatapos nito ay may handang sorpresa para sa lahat. Wala namang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng sorpresa na tinutukoy ng mga bisita.
Kasama ng kanyang stepmother si Briana at piniling umupo sa tabi niya. Hindi tuloy siya makakain ng maayos dahil naiirita siya sa babae na nagpapansin sa kanya. Inaapakan kasi nito ang kanyang paa. Gusto na niyang batukan ang babae, pero nagtitimpi siya para hindi masira ang pagtitipon.
Naunang natapos ng pagkain si Sebastian at pumunta sa harapan. Baka may iaanunsyo siya dahil hawak na niya ang mikropono.
"Good evening, ladies and gentlemen. Please give me your attention for a few announcements. This evening wouldn't be complete without me introducing to all of you my only son, Kalel—heir to Ayala Entertainment and the Monteverde Group of Companies. Son, come join me here in the center."
Halos hindi siya makapaniwala na ipinakilala na siya ng kanyang ama sa publiko. Hindi niya inakala na matapos ang maraming taon ay maisasapubliko na ang kanyang pagkatao.
Lumapit siya sa kanyang ama kahit napipilitan. Ayaw niyang mapahiya ang ama sa harap ng mga tao.
"Please welcome our new CEO of Ayala Entertainment—my son, Kalel!" sunod na pahayag ng kanyang ama. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Nasa proseso pa siya at hindi niya inasahang mangyayari ito. Kung iisipin, dapat siyang magpasalamat sa kanyang ama dahil siya ang magiging CEO ng Ayala Entertainment—dahil sa kanyang ina ang kompanyang ito. Hindi niya naman gusto na mapunta sa kanyang stepmother ang pamamahala. Wala siyang tiwala kay Shirley; baka hindi nito kayang pamahalaan ang kompanya ng kanyang yumaong ina.
"Dad, why? Why is this happening so soon? I can't handle this," protesta niya. Halos ibinulong lang niya ang mga salita.
Ngumiti lang ang kanyang ama. "I know you think that, but I believe you can do it. You're twenty-five years old now, aren't you?" sagot nito na puno ng determinasyon.
Kahit labag sa kalooban ay tinanggap niya ang kagustuhan ng kanyang ama. Nagbigay din siya ng maikling talumpati para sa mga tao.
Nagpalakpakan naman ang mga bisita. Hindi nila alam na labag iyon sa kalooban niya. Wala siyang magagawa kundi tanggapin ang pagiging CEO.
Ngayong siya na ang magiging CEO ng Ayala Entertainment, susubukan na ang kanyang kakayahan na pamahalaan ang kompanya. Hindi niya alam kung kaya niya itong gawin.
Labis ang ngiti ni Briana nang marinig ang anunsyo. Siguro ay tuwang-tuwa ito dahil gusto niyang akitin ang lalaki para mapasakanya na ito ng lubusan.
Ipinakita naman sa telebisyon ang pag-aanunsyo ng bagong CEO ng Ayala Entertainment. Nakilala siya ng buong bansa bilang ang pinakabatang CEO ng taon.
Pagkatapos ng gabing iyon ay agad siyang umuwi at nagkulong sa kanyang condo unit. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang pagiging CEO. Hindi niya naman pinangarap na magkaroon ng ganitong malaking responsibilidad. Naisip niyang sana hindi na lang siya umuwi ng Pilipinas.
LUNES ngayon at ito ang unang araw na siya na ang mamamahala sa kompanya. Dahil hindi pa niya alam ang tamang pasikot-sikot sa kompanya, tuturuan muna siya ng kanyang ama. May isang linggong pagsasanay siya, at pagkatapos noon ay siya na ang bahala sa kanyang mga tungkulin.
Nagpatawag ng board meeting si Sebastian, ang ama ni Kalel. Lahat ng tauhan ay dumalo, kabilang na si Bunny. Napag-usapan ang maraming pagbabago sa pamamahala ni Kalel.
Bukod pa rito, sa darating na buwan ay ilulunsad ng kompanya ang isang bagong magazine. Si Sebastian mismo ang nagmungkahi na si Mayumi ang kukunin nilang cover girl ng magazine dahil sa kanyang kasikatan at magagandang feedback na natanggap mula sa mga tagasunod.
Natapos ang pulong at tanging ang mag-ama na lang ang naiwan para mag-usap.
Agad na nagtanong si Kalel. "Dad, who is Mayumi?" tanong niya nang may pagtataka.
Natawa ang kanyang ama. Sikat ang babae pero hindi niya ito kilala. "She's Mayumi Suarez Collins. She's one of the most beautiful and well-known actresses in our country today. She's perfect for the cover of our newest year-end magazine edition. You don't know her?"
Medyo nagulat siya sa narinig. Naaalala niya ang pangalan na iyon. Ito kasi ang babaeng minsan niyang nakaaway dahil muntik na niya itong maligis ng kotse sa parking lot ng Ayala Entertainment ilang araw na ang nakalipas.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nabasa niya ang pangalan ni Mayumi sa magazine na binato nito sa kanyang mukha.
"Is there something wrong with her?" tanong ng kanyang ama nang makita siyang nagulat.
"Nothing. But Dad—are you sure about her?"
"Why? Is there a problem with her? If you want to replace her, Briana is an option, isn't she?"
"No, Dad. She's fine. I don't want to see Briana. I don't want to be with her."
Natawa ng bahagya si Sebastian. "You really can't stand her, can you? Is it because your Aunt Shirley wants you to date her?"
"Something like that. Let's not talk about her anymore, Dad. Let's focus on my training."
Natawa ng husto si Sebastian sa reaksiyon ng kanyang anak. Hindi ito nagmana sa kanya na mahilig sa babae noong kabataan pa siya. Buti na lang at hindi ito nagmana sa kalokohan ng ama niya noon.