Napabuga naman ng hangin si Sebastian. Kinalma ang sarili at umupo sa swivel chair niya. Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ni Kalel sa kanya. Hindi totoo ang ipinagbibintang ni Kalel sa kanya. "I'll find the real reason why Dad is protecting that stupid woman not now but soon. Humanda ka Mayumi," wika niya saka tuluyan ng lumayo mula sa room na iyon. Lumabas siya at tinungo ang kotse niya. Sumakay na siya at dumaan saglit sa set. Nasa kalapit lang ito ng building kung nasaan ang Daddy niya. May opisina din kasi ito rito. Napangisi siya ng makitang sinasakal ng kaaway niya si Mayumi. Parang gusto tuloy niyang sakalin ito sa mga kamay niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit galit na galit siya sa babae. Siguro nasaktan ang pride and ego niya noong una sila magkita. "Cut!" si

