"Okay lang iyan, at least makahinga at makalalanghap na tayo ngayon ng sariwang hangin. I can also find some handsome men." Inayos niya ang upo sa couch while crossing his legs. Nangalumbaba ang tiyahin niyo. Tila nangangarap ang bakla ng mga prince charming niya, kaloka. "What? Baliw ka talaga. Just save your money for better purposes and not for those men, they are just thieves who will steal your money. Iiwanan ka naman ng mga 'yon kapag wala ka ng ibinibigay na pera. Pera lang ang mga habol nila sayo. Mark my words." Nag -ikot lang ng mga mata ni Bunny sa kanyang mga sinabi. "Hayaan mo na ang kaligayahan ko, 'di naman ako humihingi ng pera sa'yo no? Iyan lang ang happiness ko, kaya pagbigyan mo na Yumi." "Bahala ka dyan, Bunny. Basta huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko kapag niluko

