GUNNER REKKER ROSS __ Binaba ko ang niluto kong breakfast sa ibabaw ng mesa. Naglalagay na ako ng pinggan nang marinig ko na ang tunog ng takong nito. Alam kong nasa kusina na siya nang humalimuyak ang buong amoy niya sa kusina. Pinaghila ko siya ng silya at hinintay makalapit sa akin. I held her from the back. "Parang alam ko na kung anong gusto kong kainin for breakfast." "Shut up." I chuckled and bit her neck. Lalong humigpit ang paghawak ko sa kaniya nang dumating ito na may kasamang pag-ungol. Bumakat ang buong ngipin ko sa leeg nito. Gusto ko nang magpresinta na magluto ng almusal dahil ayokong masira ang sikmura ko at mapilitang kainin ang luto niya habang nakangiti at pinupuring masarap ang mga iyon. We stayed at home for three days, just feeling everything and absorbing th

