Ava’s POV PARANG pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang tumawag sa akin si Anjo upang sabihin na alam na ni Lally ang tungkol sa aming dalawa. Mabuti na lang ay nasa kwarto ako habang nasa salas si Renzo nang tumawag siya kaya hindi niya narinig ang pag-uusap namin ni Anjo. Kasama niya doon si Eris. Umakyat agad ako nang tumawag si Anjo. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko na may alam na si Lally. Inaasahan ko nang darating ang araw na ito kaya lang hindi ko inaasahan na ganoon kabilis. Hindi pa ako handa. Lalo na at malaki ang posibilidad na malaman na rin ni Renzo ang lahat. Paano kung idemanda niya kami ni Anjo? Pwedeng-pwede niyang gawin iyon kung gugustuhin niya. Nang malaman ko na alam na ni Lally ay natakot ako sa mga susunod na mangyayari. Kaya naisip ko na itigil

