Anjo’s POV PUPUNGAS-PUNGAS ako nang magising ng umagang iyon. Sandaling bumukas ang mata ko pero pumikit din agad dahil sa mabigat ang pakiramdam ko. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Para sa akin ay madami na ang isang bucket ng beer at isang bote ng hard na drinks. Hindi kasi ako sanay uminom. Sa totoo lang, ayaw ko talagang uminom kagabi kaya lang wala rin kasi akong gagawin at hindi ako makatulog. Kaya uminom na lang din ako. Pinagbigyan ko lang din talaga si Lally sa gusto niyang iwanan ko muna siya kahit ang weird lang ng sinabi niyang kailangan naming mag-isip na dalawa. Kasi ako, wala akong dapat pag-isipan. Kahit nahihirapan ako sa pag-aalaga sa kaniya lalo na’t ako lang mag-isa ang gumagawa niyon ay kinakaya ko para sa kaniya. Pero teka, na

