Ava’s POV DENGUE. Ayon sa doktor ay iyon ang sakit ni Eris at sobrang mababa na ang platelet counts niya kaya kailangan siyang i-confine upang maobserbahan nang maayos. Diyos ko! Bakit naman ngayon pa nagkasakit ang anak ko kung kailan wala akong pera? Tapos matagal pa bago ako sumahod sa trabaho ko dahil kakasimula ko pa lang. Kinapalan ko na nga lang ang mukha ko at bumale na agad ako. Kaya lang kalahati lang ng sahod ko para sa cut off na iyon ang naibigay sa akin. Hindi rin naman ako makalapit sa mga magulang ko dahil kung wala ako ay mas lalo na sila. Nang ma-confine na si Eris ay dumiretso na agad ako sa chapel ng ospital upang ipagdasal ang kaligtasan ng aking anak. Lalo na’t may alam ako na kaso ng dengue na namatay ang pasyente. Pagkalabas ko ng chapel ay sinalubong ako

