Ava’s POV “BAKIT ang kalat dito?” May kunot sa noo na tanong ni Renzo nang pumasok siya sa kusina namin. Kakauwi lang niya mula sa trabaho. Puro harina ang ibabaw ng lamesa, maraming disposable tupperware ang naroon at tambak ang hugasan sa lababo. Ngumiti ako sa kaniya at sinalubong siya. “Nag-aral kasi akong gumawa ng graham cake at graham balls sa Youtube para ibenta ko online. May mga orders na agad at bukas ay idi-deliver ko. Pandagdag din natin sa iniipon nating pera…” sagot ko kay Renzo. Tumango lang siya. Halata ang pagod sa mukha. “Ganoon ba? May hapunan na ba tayo?” Walang gana niyang tanong matapos umupo. “Meron na. Nagluto ako ng tortang talong. Iyong kanin ay paluto na. Magpalit ka muna ng damit mo tapos maglilinis na ako dito. Para makakain na tayo.” Hindi na umimik si R

