Ethan's pov:
Labasan na namin, kaya agad kong niligpit ang mga gamit ko at lumabas ng aming classroom. Nasa gilid ng kalsada na ako, nag lalakad habang nakatutok sa aking cellphone. Napahinto ako sa aking pag lalakad ng may tumawag saking pangalan "Hoy!! Eeethaaannn!!" paglingon ko si Luna pala. Hingal na hingal ito ng lumapit sa akin na tila'y may humahabol sa kanya. Hindi maganda ang kotub ko sa kanya dahil tinatawag niya lang ako sa pangalan ko kapag may nagawa akong ayaw niya o di kaya kapag may kailangan ito. Laging gulat ko ng marinig ko sa kanya "May sumusunod sakin na lalaki....diko alam kung sino, pano kung yung stalker ko yun? Pano kung may gawin siyang masama sakin? Ano gagawin ko pres?..." paiyak na saad ni Luna sakin. "Stalker?" saad niya sa kanyang isipan. "Pres" hinawakan ng dalaga ang kamay ni Ethan "Natatakot ako.....tulungan moko please?" pagmama-kaawa ni Luna sakin. Kita ko sa kanyang mga mata ang takot niya, ramdam ko din ang panginginig at panlalamig ng kanyang kamay sa sobrang takot. "Tutulungan kita Luna, kumalma ka muna ok?"pag-aalala kong sambit sa kanya. Inalalayan ko itong umupo at agad ko namang kinalkal ang aking bag "Here" sabay abot ko sa kanya ng tumbler ko "Uminom ka muna.. don't worry i'm here ok? Wag kang matakot" pagpapakalma ko sa kanya. "Putanginang stalker yan kailan niya ba lulubayan si Luna" galit na sabi ko sa aking isipan.
Flashback:
Lumabas ng bahay si ethan naka black hoodei ito naka sumbrero na itim at naka mask ito. Balak nitong tumakas sa kanilang bahay upang makapag laro ito ng online games kasama ang kanyang mga kaibigan. Nag masid muna ito sa loob at labas ng kanilang bahay dahil ayaw niyang mahuli siya ng kanyang magulang, ng mapansin niyang tahimik na ang bahay at ramdam niyang tulog na ang kanyang mga magulang ay tumakas na ito. Habang nag lalakad ang binata ay may napansin intong babae na tumatakbo at panay lingon sa kanyang likuran na tila may humahabol sa kanya. Ng makalapit ang binata ay namukhaan nito ang babae "Si Luna toh ah... Anong ginawa niya sa labas ng ganitong oras? kababaeng tao tsk.. Bakit siya tumatakbo?" sunod-sunod na tanong ng binata sa kanyang isipan. May lumapit sa kanyang lalaki at pilit na hinihila ang dalaga ngunit nanlalaban ang ito. Nakita ni Luna ang binata kaya naman nag pumiglas ito sa lalaking kanina pa sumusunod at pilit na hinihila siya. Nangma bitawan ng lalaki si Luna ay tumakbo ito patungo sa binata at humingi ng saklolo. Agad namang kumaripas ng takbo ang lalaking pilit na hinihila si Luna ng makita niya ang binata. Kita sa mga mata ng dalaga ang takot na kanyang nadarama sa nangyari sa kanya. "Sa...sa..salamat p..po ku..ku....kuya" saad ni Luna habang nanginginig sa takot "Umuwi kana" tanging nasambit ng binata at agad umalis ng makitang natatakot na din sa kanya ang dalaga dahil sa kanyang kasuotan.
End of the Flashback:
Ethan's pov:
Hinayaan ko muna si Luna hanggang sa naging ok na siya, hinatid ko na siya sa kanyang bahay para di na rin ito mag panic at matakot ulit. "Thank you pres..." panimula ni Luna ng makarating kami sa harap ng kanyang bahay. "Wala yun, you feel better now?" pag-aalala ko sa kanya "Yeah, i feel better now, thank you kasi tinulungan mo ako...kung hindi kita nakita baka kung.." diko na siya pinatapos mag salita dahil alam ko ang kanyang sasabihin. "Shhh, huwag mong sabihin yan, walang mangyayari na kung ano man sayo ok?.. basta if you need someone to talk i'm just here for you ok?" saad ko. Hindi ko na rin sinabi sa kanya na ako yung taong tumulong sa kanya dahil parang hindi naman nito nais malaman.