"Party!" Iyon na rin ang narinig kong sigawan nila at kita ko sa mukha ni Patrick na medyo lasing na rin ito. Siguro ito na ang hudyat para hindi na kami makakauwi pa doon sa aming bawat apartment dahil sa isang kalasingan. Dapat na sana akong uminom din ngunit binabawalan ko ang aking sarili na mainom dahil ayaw kong malasing. Ayaw kong kami ng lahat magka-kaibigan ang malasing lang baka kung ano na rin ang mangyayari sa amin. Dapat at least mayroon sa amin ang hindi narin lasing para may makapag-isip pa nang maayos sapagkat hindi na matinong kausap ang mga lasing. Baka ako na rin ang magiging interpreter nila. Patuloy ko lang silang pinagmasdan sa paligid. Marahil, nakikita ko na sa kanilang mukha ang pagiging masaya nila. Tumalon-talon sa gilid at habang dala lang nila ang isang win

