THIS BOOK IS A WORK OF FICTION NAME PLACE THINGS SITUATIONS EVENTS ARE PRODUCED BY AUTHOR'S IMAGINATION.NO PART OF THIS BOOK MAYBE USED OR REPRODUCED IN ANY NAME WITHOUT THE WRITTEN PERMISSION OF THE AUTHOR. PLAGIARISM IS A CRIME ALL RIGHTS RESERVED © 2020
-TOM'S- ORIGINAL STORY-
Please guys, I am not a perfect writer and you might find some jokes in this chapter that are not funny nor amusing. I am accepting a constructive criticism as long as you do not put any harsh words and judged me for wasting my time doing a story. This is my passion and I believe that my works will either soon be published as a book or become a part of a local industry film. Thank you for your understanding and I hope you are laughing hard while reading it.
Walang mapaglagyan ang saya ko dahil sa tagumpay, tila ba'y ito na marahil ang taon para ako ay magpabibo sa Pabibo National High School, medyo hiningal ako dahil sa sumisigaw na ako kaganina gamit ang horn speaker, pero pramis, worth it lahat nang paghihirap ko na makamit ang mataas na position na ito. Ilang sandali pa ay nag-tungo kami sa aming section kasama ang aming guro matapos ang halalan. Ganun din ang ibang sections.
Pagkapasok namin sa classroom kami ay naupo at agad nagsalita ang aming guro na si Ma'am Maria.
Okay class, gusto kong malaman ninyo, na ngayong araw ay ako muna ang inyong makakasama hangang sa pag-uwi! Masayang pagpapahayag ng guro
Sumingit naman ako bigla at nagpaalam kay Ma'am Maria upang mag-announce ng mahalagang bagay. Pumayag naman ang guro at sinabing susuportahan n'ya lahat nang desisyon ko.
Nagtungo ako sa unahan at sinimulang kuhain ang atensyon nang aking mga kamag-aral.
Okay guys, bilang presidente ng school, gusto kong malaman ninyo na tayo ay magtutulungan upang ayusin ang ating sistema sa loob, I mean maayos naman na, pero aayusin pa natin para sa kapakinabangan ng lahat at para din mas sumikat ako. Panghihikayat ko sa kanila.
Sir, President...... Pagsingit ni Maria Adik
Anu yun Maria Adik? Pagtatanong ko sa kanya.
Ah, sir hindi ko po sinasadya, pero kahapon po sa c.r nakita ko po si Ma'am at ang isa pang guro, narinig ko po na pinag-uusapan nila tungkol sa field trip. So suggest ko lang sir, pwede po bang si Ma'am muna ang tatayo Jan at tatawagan n'ya ang principal? Sa pakiwari ko kase ay hindi pa alam nang prisipal ang tungkol rito!
Sure. Maikli kong sagot sa kanya
Tumayo na si Ma'am Maria at nagsimulang magsalita
Okay sige, dahil naisip mo yan, try nating kontakin ang ating Principal na si Lowis Lo. Pagsang-ayon nang guro
Kinuha ng guro ang kanyang telepono sa bag at sinubukang kontakin ang principal, Ni-loudspeaker n'ya ito para marinig naming lahat ang magiging usapan nila nang prinsipal.
"Sorry, your balance is not enough to make this call, please try again"
Sabi ng telepono nang nag-attempt ang guro na tumawag.
Tinawagan ulit ng guro ng isa pang beses ngunit.
"Sorry, I told you, your balance is not enough to make this call, please try again later"
Haisst, sabi mo please try again, magulo ka kausap eh no!! Pabalang nitong sagot sa telepono.
Nadisappoint ang guro at nakiusap sa mga estudyante!
Haisttt, guys pasensya na wala pala akong load guys, baka meron kayo Jan? Pagmamakaawa nang guro!
Ako po Ma'am! Pabidang sagot ni Maria Adik.
Okay, pahiram ako nang iyong telepono, Ms Adik. Halika at lumapit sa unahan. Pag-uutos nang guro.
Ah, eh Ma'am, wala may load po ako, kaya lang hindi ko po dala c.p ko eh, baka po kase manakaw. Pero may naisip po ako na brillant idea, Makikisalpak po ako nang sim card sa inyo, tapos tatawagan natin ung principal. -Maria Adik
Brilliant!! Sagot nang namanghang guro.
Sinalpak ni Ma'am Maria ang sim Card ni Adik sa cellphone at tinawagan ang prinsipal.
Ring, ring, ring, ring, ring.
Hello, Sir, Principal Lowis Lo,na-hired po ako limang taon ang nakakalipas naalala n'yo pu ba ako?
Ring, ring, ring, ring.
Hello, sir?
Salita din po pag may time! Pagbibiro nang guro na tila ba'y sabik na makausap ang prisipal.
Rin, ring, ring.
ay sori,hindi pa pala nasagot, guys excited lang ako. Pagpapaumanhin ng guro
ring, ring.......
Sumagot ang kabilang linya.....
Principal: Hello, Ma'am Corazon, napatawag ka?
Ma'am Maria: Ah Sir, gusto ko lang pong ipaalam na magkakaroon pu tayo ng field trip at dadalhin natin lahat ng mag-aaral sa isang lugar!
Principal: Ah, talaga, bakit hindi ko ito alam?
Ma'am Maria: Ah, eh kasi sir, absent pu kayo kahapon nang biglang meeting, at final na po yun, sir, eh wala din pu kami masyado time ngayun kaya hindi namin kayo na-inform kaagad.
Principal: Ah, ganun, pasensya na kayo, sa susunod madalas na akong magtatanong kung nag-meeting ba kayo para naman hindi ako nahuhuli sa balita!
Ma'am Maria: Noted, Sir Lowis Lo. Anyway going back to the topic, pwede po ba kami magrequest ng mga lugar na pwede puntahan ng mga mag-fi-field trip?
Principal: Ah, pwede naman pero sa isang kondisyon!
Ma'am Maria: Ano pu yun, Sir Lowis Lo?
Principal: Gusto kong hingin ang payo nang ating bagong youth President na si Prince Epeh, pwede ko ba s'ya makausap?
Ma'am Maria: Nako, Sir, busy s'ya kakaisip sa field trip, kung gusto n'yo pu s'ya puntahan, ibibigay ko po ang address n'ya Sir!
Principal: Ahhh, ganun ba, sige hindi bali nalang. Pero kung ano man ang maisa-suggest niya ay agad kong ikokonsidera dahil s'ya ay mahalaga sa ating paaralan. Sige bye!!
Matapos nang maikling usapan, ay tila ba maiihi ako sa aking mga narinig galing sa prinsipal. Masaya naman ang aking mga kamag-aral lalu na't madami sa amin ay excited na sa field trip.
Okay class, maraming salamat sa inyong kooperasyon, lalu na sayo Maria Adik sa pagpapahiram mo sa akin nang iyong sim card, kaya't hihiramin ko muna ito habang may load at ibabalik ko nalamang sayo kapag naalala ko. -Pagpapahayag nang gurong nasasabik sa paparating na field trip.
Sure, Ma'am Maria, No problem. Maikling sagot ni Maria Adik.
Makalipas ang ilang oras ay nagsi-uwian na kami, at hindi ko papalipasin ang gabi nang hindi ito sinasabi sa aking mga magulang, at natitiyak kong magagalak sila sa aking ibabalita.
Hapon na nang makauwi ako, bagamat medyo pagod ay ngiti agad ang ibinungad ko sa aking kapatid na mas nauna umuwi sa akin at ang mga magulang kong nagpapahinga sa labas nang aming tahahan. Nagmano ako, pumasok sa bahay at nagpalit nang aking suot, noong kinagabihan, habang kami ay kumakain, binasag ko ang katahimikan nang ibalita ko kung ano ang nangyari sa akin sa loob nang paaralan.
"Mama Riyna, papa Arie, may gusto po akong ibalita na siguradong magbibigay nang ngiti sa inyong mga mukha." Masayang pagbabalita ko habang ako ay nasa harap nilang dalawa at katabi ang aking kapatid na si Prince Sisa".
"Kuya, ayaw mo po ako isali"- Biglang singit ni Prince Sisa
"Okay, Mama Riyna, Papa Arie, Prince Sisa, may gusto po akong ibalita sa inyo"
Ano un anak, na isa kanang Presidente nang inyong school?Pagsambit ni Papa Arie
Opo, pa pero paano n'yo po nalaman? Pagtataka ko
Anak, isang kababata ko ang inyong Principal, sa t****k ko nalaman, anak, mabuti pa nga s'ya nagsumikap samantalang ako, eto isa paring mangingisda!- Malungkot na sagot ni Papa
Papa Arie, tsaka nayang kwento mo pa, sa akin muna, ako ang bida ngayon eh!-Pagputol ko sa drama ni Papa
Napatungo nalang si Papa.
Itinuloy ko ang aking kwento......
"So eto na, nanalo ako kaganina sa eleksyon dahil lamang ako sa aking mga katungali. Pero ang isa pang problema ko ay ang pag-iisip kung saan ang magiging field trip namin, pero ang plano kong puntahan naming lahat ay ang school mismo, mag-dedecorate nalang kami sa loob nang paaralan at lilibutin ito nang lahat nang mga mag-aaral, nang sa ganon ay mas makatipid kami, pero mag-lalagay din kami ng mga mahahalagang larawan kagaya ng mga pictures ng mga mahahalagang lugar kagaya ng luneta park, boracay, hundred island at iba pa sa bawat silid at lahat nang estudyante ay pwedeng magselfie sa likod ng mga larawan".
Anak, namamangha ako sayo. Alam mo anak, ipagpatuloy mo lang ang isang pagiging mabuting mag-aaral at tinitiyak ko sayo, makakamtan morin ang mga adhikain mo sa iyong buhay. Proud na sabi ni Mama.
At kuya, kahit na mahirap tayo, ok lang basta't magkakasama tayo, kahit isang mangingisda lamang si Papa, at least diba, palagi s'yang nakabakasyon dahil palagi s'yang nasa dagat! Paglilihis ng topic ni Prince Sisa.
Anak anong bakasyon ang pinagsasabi mo jan? Nanduon ako dahil andun ang hanapbuhay natin, hindi para magbaksyon , Prince Sisa. Paglilinaw ni Papa Arie
Okay po noted. Maikling sagot ni bunso.
Matapos nito ay mapayapa kaming natulog lahat at nagpasalamat dahil nang paguwi ko ay mayroon na palang kuryente sa aming lugar.