Chapter 23 - Letting Go LUMABAS din naman si Danna sa opisina ni Liam dahil ayaw niya nang magtagal pa na makita ito. Sinabihan niya na lang ang lalaki na si Violet na ang mag-aasikaso ng resignation niya. Sa Production area napalingon siya nang may tumawag sa kanya. Si Liz. "Danna!" Pinunasan niya ang mga naiwan na luha sa ilalim ng mata at sa pisngi niya. "How are you?" malungkot na bati nito. Napansin kasi nito ang namumula niyang mata. "Nag-file na ko ng resignation." Lalong bumakas ang kalungkutan sa mukha ni Liz. "San na kita hahanapin kapag kailangan ko ng kausap?" "Just call or text me," sabi niya dito. "Huwag ka nang malungkot. Ayaw mo no'n, wala ka nang masasabihan ng mukhang nagbebenta ng kabaong dito." pinilit niyang ngumiti dito. "Dadalawin kita sa bahay niyo, oka

