Chapter 21: Met Her Dad HAWAK ni Liam ang panga niya na sinuntok ni Paul. Tumayo siya muli at planong katukin ang kuwarto ng dalaga nang makabawi. "Boss, much better kung hayaan mo na muna si Danna. She's hurt. Anyway, where is your girlfriend?" ani Liz na naiwan sa tabi. "I broke up with her," sagot ni Liam. "Geez. I don't know what to say! This is not you. Nasabi ko na noon pa na Danna is different. She's nice. Halos gusto ko siyang samahan na umiyak kanina. Masyadong masama ang loob niya. I couldn’t even look at her face," ani Liz. Nakuyom ni Liam ang kamao niya. "Alam ko na mabait si Danna. I was with her for four years, Liz." "Then, why did you do it?" Malayong pinsan niya ang dalaga kaya mabilis itong pumayag na magtrabaho sa Weekly Fab. "To be honest, wala sa loob ko noo

