Chapter 7: Kumukuti-kutitap NANG makauwi si Danna, naisip niya ang mga napag-usapan nila ni Liz. Sinabihan siya nito na ayusin ang sarili niya. Ayos naman daw ang everyday look niya sa opisina ngunit sana daw, sa mga susunod ay magmukha na siyang assistant talaga ng editor-in-chief. Mas mukha daw kasi siyang sales analyst o 'yong nagbebenta ng mga kabaong. Binigyan siya nito ng ilang paper bag ng mga damit, sapatos, bag at make-up bago siya pinalabas ng opisina nito. Lahat ay brand new pero hindi naman nito ginastos nang kusa dahil galing sa sponsors ang lahat ng iyon. O 'di ba? Bago siya binigyan ng gamit ay kailangan na may lait muna talaga. Karamihan daw doon ay bigay ng sponsors dito. Hindi simple ang mga gamit na binigay nito sa kanya. Halos lahat ay signature items na ikinatuw

