Chapter 26: Dalaw sa Pamilya MAGKASAMA si Karissa at Bruce na nagtungo sa maliit na baryo ng Baligat kung saan naroon ang tahanan ng pamilya ni Karissa. Linggo ng araw na iyon kaya inaasahan na naroon lang sa bahay ang tatay niya. Kinakabahan si Karissa. Naiintindihan niya na gusto ni boss na makilala ang magulang niya, ang mga taong nakasama niya. Huminto ang sinasakyan nilang dalawa sa tapat ng isang barong-barong. Lingunan ang mga kapitbahay na nagvi-videoke. May mga naghawi ng kurtina at sumilip sa bintana para tumingin sa gawi ng sasakyan na nag-park. "B-boss, kinakabahan ako." Hinawakan siya nito sa kamay. "Don't worry. Gusto ko lang makilala ang pamilya mo. Narito naman ako para protektahan ka." Hindi niya lang masabi na kaya siya kinakabahan ay dahil mas makapal ang m

