Clare's POV: "Eight AM sharp, at my office. Don't be late this is your first shoot." -B.S. Ito ang bumungad sa akin matapos kong magising ng 6am. Tatayo na sana ako upang maligo ngunit pinigilan ako ni Zach. "Ang aga, ha?" Sabi nito sa akin. "First shoot ko na as an endorser--- it's already 6am for the record." Sabi ko at tumayo na. "Pambihira naman ang boss mo... 'Diba kadalasan hindi naman morning person mga models kasi puffy pa mga mukha nila? " Sabi nito kaya bumuntong hininga ako. "I don't know." Sabi ko at tuluyan ng tumayo. "Who's you boss?" Agad akong napahinto. "Isa siyang sikat sa field niya. Magaling siya. You don't need to know him though." Sabi ko at naglakad papasok sa banyo. "Anong pangalan niya?" Tanong nito kaya nagisip ako. "Kaibigan siya ni Daddy." Sabi ko nal

