Blue's P.O.V. "Tanggapin mo na lang Blue! Nangyari na! Wala ka nang magagawa." Sigaw nito at saka isinuot ang damit na ibinigay ko, "Ayaw mo ba nun? Magkakaanak ka na!" Sabi nito kaya natawa ako nang mapait. "Gusto kong mag ka anak pero hindi ikaw ang nanay." Sabi ko at umalis sa bahay na 'yon. I drove to Jaeo's place and door belled. May lumabas naman na isang matandang babae na napag alaman kong kasama nila sa bahay. "Andiyan po ba si Jaeo?" Tanong ko rito. "Ay opo, ano pong pangalan ninyo?" Tanong nito. "Lewis po." Pagkasabi ko nun ay ilang segundo lang ay pinapasok na nila ako. "Bro, I missed you." Sabi nito at akmang yayakap nang pinigilan ko siya. "I don't do bromance, Jaeo. Buti malinis ang bahay mo? What's new?" Tanong ko rito. Simula nang ikasal kami ni Clare at malaman na

