Clare's P.O.V. TAPOS na kaming kumain at nakaligpit na rin ang pinagkainan namin. Alas-syete na at bukas na ang schedule ng flight naming lahat kasama si Coach Haley, Shannen, Zach at ang dalawang kasama namin sa bahay. "Good night Mwamie! I'll be waking up so early for tommorow! I'm so excited!" Masayang sabi ni Lianne. "Me too Mowmie! I'm excited to see Tito Irvin. He's so cool!" Sabi nila at sabay na pumasok sa kanilang kwarto. Bukas hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam kung sino o ano ang makikita ko sa Pilipinas, ang lugar kung saan ako nasaktan, at nawasak. Alam kong tama ang desisyon ko. Ang hindi tama ay ang hayaan ko lang si Kina sa mga balak niyang kademonyohan sa buhay ko. Mamamatay muna siya, bago ako. Tandaan sana niya na kaya kong pumatay nang masamang

