Marriage is sacred because it's the holy word of God, and he made it clear that marriage is supposed to be holy and should be treated with respect. Ngunit sa amin ni Riguel, ang kasal ay isang papel lamang na may nilagdaan na pirma. Ngunit hindi nag papatunay ng pagmamahalan.
Araw-araw kong ginagawa ang lahat ng pwedeng gawin upang makuha ko ang atensyon niya. Ngunit lahat ng iyon ay tila walang epekto sa malamig nitong puso.
"G-good morning!"
"Kumain ka muna bago ka umalis, nag luto ako ng beef curry." Ako at inilapag ko ang bowl sa malaking dining table.
Hindi ito umimik at naupo siya sa upuan. Napangiti ako ng hindi niya binaliwala ang sinabi ko. Kaagad ko ring kinuha ang bagong brew na black coffee sa coffee maker.
Nagulat ako ng ilapag nito ang ATM blackcard sa mesa kung saan ko binaba ang tasa na may kape. Binalingan niya ako ng tingin. Ngunit kaagad kong ibinaba ang tingin ko sa lapag. Dahil hindi ko makayang titigan ang banyaga niyang mga mata.
"Today is the Grand Opening of the Fuentes five star hotel. Wala akong choice kundi isama ka, because you are my so-called wife. And I have no choice."
Kinuha nito ang kapeng ibinaba ko. Ngunit hindi pa man lumalapat ang labi nito. Ay nag salita siyang muli.
"Use my ATM card and buy all the clothes you want. Gusto ko lang ay maging presentable ka." Aniya. Ibinaba niyang tuluyan ang kape at di man lang pinaunlakan iyon ng tikim.
"M-mag kasama ba tayong mag tutungo ruon?" Tanong ko.
"Fix my necktie please." Aniya. Kaagad akong lumapit sa kanyang upang ang ayusin ang necktie.
Halos tumingkayad pa ako upang maabot lang siya. Kita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya ng mahanap niya ang mga mata ko.
Matagal siyang tumitig sa akin. Kaya't napatingin rin ako sa kanya. Kita ko ang pag kunot ng kilay nito. At pagbabago ng ekspresyon. Na napapalitan rin kaagad ng galit.
"Stop staring at me woman." Tila pinal na sabi nito.
Bumaba ang tingin ka necktie niya at patuloy iyong inayos iyon. Nang matapos ay pinasadahan ko ng haplos ang kanyang dibdib. Upang maayos ang gusot sa kanyang black working attire.
Napasinghap siya sa ginawa ko. Tila ba hindi inaasahan ang pag haplos kong iyon sa kanya.
"Goddamn it!" He murmured.
"Gilbert will pick you up later. After the grand opening, Eros invited us to have a welcome dinner party at his house with Amara and your family." Aniya.
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ni Eros. Kapatid niya iyon. At ngayon ko lang nalaman na nakauwi na pala siya ng pinas. Ngunit napawi ang kaonting saya ko, nang sabihin niya ang pangalan ng aking kapatid.
"O-okay.. huwag mo na akong aabalahin pa na ipasundo. Gagamitin ko na lang ang kotse mo." Ako.
"Alright then, I have to leave." Tinalikuran ako nito ay umalis. Ngunit ilang hakbang lang ay huminto muli ito sa kinatatayuan niya.
"Huwag na huwag mong susubukan na gumawa ng kapalpakan mamaya. I don't want to ruin this night because of you." Puno ng babala niyang sabi at umalis.
Pumikit ako ng mariin at bumuga ng malalim na paghinga. Kinuha ko ang black card niya sa lamesa at pinagmasdan iyon ng mabuti.
Tinapos ko muna ang mga gagawin ko bago ako mag tungo sa bilihan ng mga damit. Nang makaligo ako, ay lumabas ako ng bahay at nag tungo sa garahe upang pumili ng sasakyan ko para makatungo sa isang prestiryosong bilihan ng damit.
Napili kong sakyang ang white mustang niya. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan. Naging bigla akong mapaghanap. Tila ba bigla akong naghinala sa hindi ko malamang dahilan.
Binuksan ko ang likod ng compartment ng kotse niya. Dun at tumambad sa akin ang isang bag. At isang spare phone na ngayon ko lang nakita.
Mabilis kong hinalughog ang bag na iyon. Ngunit pag bukas ko nun. Kaagad akong hinagkan ng panghihina. Ang laman ng bag ay ilang mga damit at condom. Nuon pa ako nag hihinala sa kanya. Ngunit mas masakit pala pag ang lahat ng hinala mo ay naging katotohanan.
Parang sinampal ako ng katotohanan na kahit kailan ay hinding hindi ako magiging sapat sa kanya.
Ginawa na namin ang ginagawa ng isang normal na mag asawa. Ngunit sa tuwing nangungulila lang ang gabi niya, namin iyon nagagawa. Sa tuwing lasing at hindi niya maalala ang lahat dun lang iyon nangyayari.
Sa tuwing nararamdaman niya ang init sa katawan. Ngunit lahat ng iyon ay ayos lang. Kung dun ko mararamdaman ang presensya niya tatanggapin ko ang lahat.
Inabando na ako ng sarili kong pamilya. My mother died of a serious illness. Kaya't si Riguel na lang ang itinuturing kong tahanan at uuwian.
Nag ring ang cellphone sa tabi ng bag. Tumambad ruon ang pangalan ng aking kapatid. Si Amara.
Gustong gusto kong sagutin iyon. At sabihin ako ang asawa ni Riguel na tinatawagan niya. Pero pakiramdam ko kung sasabihin ko iyon wala rin kuwenta. Dahil ang totoong mahal ng asawa ko ay siya at hindi ako.
Pinunasan ko ang aking luha at marahas kong sinarado ang likod ng kotse. Mabilis akong pinaharurot iyon at lumabas ng village.
Kinalma ko ang sarili ko ng mag tungo ako sa isang prestiryosong bilihan ng damit. Nang makababa ako. Kaagad kong kinuha ang lahat ng damit na nakita ko ruon. Ang mga salesperson ay nakasunod sa akin lahat.
Dala ang napakaraming damit na Chanel. Halos limang tao ang nag assist sa lahat ng binili ko.
Nang matapos iyon st inabot ko ang blackboard ni Riguel sa babaeng cashier na nasa harap ko. Kita ko ang pag bilog ng mga mata niya sa presyong lumabas sa screen.
11.5 million iyon. Pati ako ay napalunok rin ng makita ko sa screen ang nagastos ko. Ngunit sinawalang bahala ko iyon. Dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit sa nakita ko kanina.
The grand opening started at 7pm. Kita ko ang pagdating ng kotse at paglabas ruon ni Manong Gilbert. Siya ang kumuha sa akin para mag tungo sa bagong hotel na bubuksan ng mga Fuentes. Ang panibagong Five star hotel na ilang taong na rin na naging project.
Fuentes Hotel Group and Martinez Global Hospitality, two of the largest Philippines hotel management companies, nag merge ang company ng Daddy ko ng maikasal ako kay Riguel.
Nang sabihin ni Daddy na ako ang ikakasal sa nag iisang anak ng mga Fuentes na si Riguel. Walang pag siglan ang saya ko. Hindi niya labis akong kilala. Ngunit siya ay kilalang kilala ko. Lagi ko siyang tinitigan sa malayo sa tuwing nag tutungo ito ng mansion at pupuntahan si Ate Amara. Palihim akong umibig sa kanya.
Ngunit lahat ng iyon at binigyan ko ng limitasyon nuon. Dahil ang katulad niya ay malabong maging akin. Ngunit sadyang naging mapaglaro ang tadhana ng bigla akong ikinasal sa kanya.
Pinisil ko ang daliri ko. Nang mapagtanto na masyadong malalim ang iniisip ko. Itinuon ko ang mga mata ko sa mga posteng na dadaanan naming patungo sa opening ng hotel. Medyo kinakabahan ako. Dahil ito ang unang inimbitahan ako ni Riguel sa mga ganitong events ng negosyo ng pamilya niya.
Nang makarating kami sa hotel. Tumambad sa akin ang napakagandang entrada nito. Tingin ko ay tapos na ang ribbon cutting ilang oras na ang nakalipas. Sa labasan ay matatamaw mo ang ibang media at mga personalidad na naruon.
Kaagad binuksan ni Mang Gilbert ang kotse kaya't bumaba ako mula sa loob. May ilang media ang lumapit sa akin ng labas ako.
"Hello Mrs Fuentes, can ask you some question?" Ang reporter na babae na lumapit sa akin.
Tumango ako at ngumiti
"Sure." Sagot ko.
"Mrs Fuentes, how does it feel that your husband is one of the most successful and respected businessmen right now?" Tanong nito sa akin.
"It's an honor for me. And I am very to him. Bilang isang asawa niya masaya ako sa kung ano naabot niya ngayon." Tugon ko.
"Another question Mrs Fuentes." Ang kakalapit lang na lalaking reporter."
"Is it true that you only got married Mr. Fuentes. Dahil lang ito sa business at sa pag merge ng malaking company nila sa inyo?" Ang lalaking reporter.
"Totoo bang si Amara Martinez talaga ang gusto ni Mr. Riguel Eros Fuentes at hindi ikaw?"
"Sorry for the questions Mrs. Fuentes, but that's everyone's big question." Anito.
Hindi ako nakapag salita sa naging tanong na iyon. Hindi ko alam kung paano ibubuka ang bibig ko. Pakiramdam ko ay mas lalong nanigas ang labi ko ng makita ko si Riguel.
My sister was with him. Gustuhin ko man umalis. Pakiramdam ko ay nag ugat ang paa ko sa kinatatayuan ko.
Kita ko ang mga ngiti ni Riguel, na kahit kailan ay hindi ko pa nasilayan sa tatlong taong pag sasama namin. Ang masakit pa ay kasama niya ang pamilya ko at tila botong boto sila sa pagiging manloloko at kabit ng kanilang anak.
Nawala ang ngiti ni Daddy at ni Ate Amara ng nag lakad ako patungo sa harap nila.
"It's been a while since we've seen Athena." Tila Anunsyo ni Ate Amara.
"How is married life?"
"Mapait?"
"Nakakalungkot ba?" Puno ng sarkasmo ang tanong niyang iyon.
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nila ni Riguel na mag kasiklop. Itinaas kong muli ang aking tingin sa kanilang dalawa.
Ngunit bago ko pa nasagot ang tanong ni Ate Amara. Kaagad na akong nilapitan ni Daddy.
"Huwag na huwag mo akong bibigyan ng kahihiyan."
"Huwag mong tangkain na sirain ang gabing ito." Madiing bulong sa akin ni Daddy.
"Ako pa ang sisira ng gabing ito?" Tanong ko sa kanilang lahat.
"You all warned me not to ruin this night! Pero kayo mismo ang sumisira ng gabing ito!"
"I am here to support my husband. Not ruin his night!" Halos ipiyok ko na. Kita ko ang walang emosyong titig sa akin ni Riguel. Tila ba binantaan niya ako tumigil na.
Ngunit hindi ko kayang tumigil… hindi ko kayang tiisin ang harap harapan niyang panloloko sa akin. Rinig ko ang bulong bulungan ng ibang nasa loob Hotel. Ngunit hindi ako natinag sa lahat ng iyon.
"At ikaw! Tinatanong mo sa akin ang buhay may asawa?!" Nadudurog na sikmat ko.
"I feel so hopeless every night.. I'm always afraid whenever the night comes. Natatakot lagi na baka ipag palit niya ako sa kabit na katulad mo!" Segunda ko. Kita ko ang panlalaki ng mata ni Ate Amara sa sinabi ko.
"Athena, stop this bullshit." Si Riguel.
Patuloy ang pag kirot ng puso ko. Pakiramdam ko ay hinihila iyon sa dalawa parte at pilit na pinipilas upang mapaghiwalay. Pinunasan ko ang aking luha. Naramdaman ko ang pag kuha ni Daddy sa akin pulso upang maalis sa maraming tao.
Ngunit hinawi ko ang kamay nito at nanatiling nakatayo sa harap ng aking asawa at ni Ate Amara.
"Athena!" Sigaw ni Daddy.
"Kabit na katulad ko? Ohh god." Si Ate Amara na napailing pa at bahagyang natawa.
"Expired na ang pagiging asawa mo sa papel. Pagkatapos ng event na ito, nakahanda na divorce paper para sa iyo."
"You already knew the fate of this marriage from the beginning. Ang hindi ko maunawaan ay bakit tumagal pa ito ng tatlong taon." Umiiling na sabi ni Ate Amara.
Pakiramdam ko ay para akong pinag tulungan. At pinag katuwaan ako. Ako na lang pala ang hindi nakakaalam na ilang taon lang pala ang itatagal ng kasal na ito? Sa huli ay iiwan rin niya ako at aabandunahin? Napahawak ako sa puso ko. I feel like it was stabbed with a million knives.
Hindi ako nakapag salita. Lahat ng nais ko sabihin at bumara na lang sa aking lalamunan.
Kaagad akong kinaladkad ni Daddy paalis sa maraming tao. Tila ba ako pa ang may kasalanan ng lahat.
Naramdaman ko ang pag hinawalay ng suot ko sapatos sa aking maliit na paa. Ngunit hindi ko na iyon nakuha. Dahil sa tindi ng pag kaladkad sa akin ni Daddy.