Wakas

2326 Words
"Gusto mong mag tungo sa sagradong puno?" Tanong sa akin ni Riguel ng matapos kaming kumain at nag lakad lakad upang makalibot pa sa lugar. Sagradong puno ang tawag sa punong iyon. Nakalagay iyon sa pinaka gitna ng bayan ng Armadillo. Napapalibutan ng batis at maliliit na puno. Sa sobrang laki nun at kakaiba. Tinawag iyong Sagrado. Sabi nila ay may naninirahan diwata sa punong iyon. At tumutupad ng mga kahilingan. Kaya't isa iyon sa pinupuntahan ng tao sa oras na naglilibot sila sa bayan na ito. Tumago ako kay Riguel. "Nagkakatotoo daw ang anumang kahilingan sa lugar na iyon." Ako. "Do you believe in that folklore?" Bagya itong natawa. "O-oo, pwede siguro… dahil minsan na ako humiling sa kanya. Tingin ko naman ay totoo iyon." Ako. Habang naglalakad kami patungo sa Sagradong puno. "Ano ba ang hiniling mo?" Tanong nito. Habang inilagay sa kanang kamay ang lahat ng plastic na hawak. Ang totoo ay minsan na akong nag tungo sa Sagradong puno. Humiling ako sa kanya na makakaalala na siya. Tingin ko naman ay kahit papaano ay narinig ng bathala ang kahilingan kong iyon. "Ang makaalala ka.." mahinang sabi ko. Kita ko ang pagkawala ng ngiti niya sa labi. Nang sundan ko ang direksyon ng mga mata niya. Diretso iyon sa maraming mga tao. Ngunit malinaw na isang tao lang ang buong atensyon niya. Kaagad hinagkan ng kaba ang buong sistema ko. Nang makita ko ang pamilyar na mukha na matagal ko ng hindi nakikita. Ang taong labis kong kinatakutan. Ang taong nagpaparamdam sa akin na hindi pirmanente ang lahat. Na ang lahat ay nagbabago at lahat ay pwedeng wakasan. Si Ate Amara… Unti unti akong napa atras sa aking kinatatayuan. Ngunit bago pa ako makatakbo ay nahawakan na ni Riguel ang aking pulso. Umiling ako sa kanya. "R-riguel…" nadudurog na sambit ko. Ngunit na natiling nakatuon ang tingin niya kay Ate Amara. Kinain ni Ate Amara ang distansya namin. Ngunit kaagad iyong nahawakan ni Ara at Ashley. "Ano ba?! Bitawan niyo ako!" Iritableng bulyaw nito ng hawakan ng dalawa ang mga kamay ni Ate. "Ano bang kailangan mo sa mag asawang yun ha?! Bakit balik-balik ka rito sa Armadillo?!" Segunda ni Ara. At hiwakan muli si Ate Amara. Hahang ang tingin ni Ara ay nasa amin. Tila pinapatakbo niya kami. Ngunit hindi nag paawat si Ate. Buong lakas niyang itinulak si Ara at tuluyang nakalapit sa amin. "Mag asawa?" Natatawang segunda sa akin ni Ate Amara ng makain ang distansya naming dalawa. "Asawa, Athena. Really?" Natatawang tanong nito sa akin. "Stop it Amara!" Tila isang kulog ang boses ni Riguel. Halos matahimik ang maingay na pamilihan dahil sa boses niya. Bumilog ang mapulang labi ni Ate dahil sa naging pag sigaw ni Riguel. Habang ako'y tulala ay hindi alam ang nangyayari. "Tito kygo and Tita Dannie is worried sick of you! At nandito ka lang pala matatagpuan sa mabahong Isla na ito?!" Tila hindi makapaniwala na sambit ni Ate. "I said shut up Amara!" Riguel's shouted out again. "Bakit?! Naaksidente ka dahil sa kanya! Ngayon ay nandito ka at sinusundan ang taong sumira ng pangarap nating dalawa?!" "Are you out of you mind?" Madiing tanong nito. Pakiramdam ko ay nabingi ako. Kita ko ang mapanuring tingin ng lahat sa akin. Lalo ang mga mata nina Ashley at Ara. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin. Naramdaman ko ang kaginhawaan nitong nag daan limang buwan. Halos gabi gabi kong pinag darasal na maging mabuti ang lahat. Ngunit hindi ko inaasahan na ang kabutihan iyon ay mauuwi sa ganitong paraan. "Let's go, Athena." Si Riguel na kinuha ang aking kamay. Ngunit kaagad ko iyong binawi. Kita ko ang pag titig niya sa akin. Tila nag tatanong iyon. "Athena." Marahang tawag niya. Ngunit umatras ako palayo sa kanya. Napatingin ako kay Ate Amara. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Katulad ng galit na minsan ko nang nakita limang taon ang nakalipas. Ganun parin iyon at tingin ko ay hindi na magbabago. "Mas matutuwa pa si Daddy kung ibabalita ko sa kanyang patay kana." Walang emosyong sabi nito. Kaagad itong lumapit kay Riguel. Kita ko ang pag palupot ng braso niya ruon. Tila siya ang totoong may teritoryo nun. "Nuon pa man ay patay na ang turing niyo sa akin." Sagot ko. "Yes, purong kahihiyan lang ang dinala mo sa amin. At tama nga si Daddy, dito nga matatagpuan ang basurang tulad mo." Puno nang pandidiring sabi niya. Ibinagsak ko ang aking tingin pababa. Pumikit ako ng mariin. Patuloy ang pag tarak ng mga punyal sa aking puso. Ginawa ko ang kasinungalingan ito, dapat ay ako rin tumapos. Gumuguhit ang sakit sa aking dibdib. Habang ang lahat ng tao at nakatuon ang mga mata sa amin. Pati na si Ara at Ashley ay naguguluhan narin. Tumingin ako kay Riguel, kahit pa nanlalabo ang aking paningin. Dahil sa akin kaya siya na aksidente? Kaya ba nawala ang mga alaala niya? Kaya unang pag kikita namin ay hindi niya ako maalala? Ngunit bakit. Bakit sa dami ng pwedeng Isla nahinto pa siya sa Islang ito. Nananahimik ang nagpupumilit kong puso sa kanya. Ngunit dahil dumating siya at naging mapusok at naging sinungaling ako. "H-hindi na ako ang asawa mo.. I am your unwanted wife Riguel." "We divorced before I left, five years ago." "I'm sorry… p-patawarin mo ako.. na sinungaling ako sayo." Nanginginig na sabi ko. Nanatili itong nakatitig lang sa akin. Hindi ko hinintay ang mag salita siya. Tingin ko ay mas lalo lang akong madudurog kapag narinig ko ang boses niya. Kapag narinig ko kung paano niya ako ayawan. Katulad ng dati. Hinawakan ko ang aking bibig upang hindi makawala ang aking pag hikbi. Tumakbo ako papalayo. Narinig ko ang pagtawag nina Ashley at Ara. Ngunit hindi ko na iyon pinansin at nag patuloy. Sumakay ako sa sakayan ng motor at bigong umuwi. Alam kong hindi na siya babalik. Dahil nandito na si Ate Amara. Tanggap ko na iyon. Matagal ko ng natanggap. My heart bleed shattering into millions of pieces. I never felt this kind of ache in my chest before. Eto na yata ang pinakamasakit tingin ko ay mas masakit ang pag paparaya kaysa sa nag papalaya. Masyado kong nilasap ang bawat araw na kasama ko siya. Ni hindi ko namalayan ang oras. Limang buwan ng magpakilala ako sa kanyang asawa niya. Masyado akong naging masaya. Na dapat ay hindi pala. Napasandal ako sa pintuan ng maisara ko iyon. Ang init na nag mumula sa aking ilong at mata ang lalong nakakapag pasakit ng aking dibdib. Inilibot ko ang nanlalabong mata ko sa maliit na bahay na ito. Dahil simula bukas ay wala ng Riguel ang makikita ko sa bahay na ito. Kinagat ko ang aking labi. Gustong gustong kumawala ng mga hikbi ko. Ngunit patuloy ko iyong pinipigilan. Nauliligan ko ang yapak na huminto sa harapan ng pinto. Mas lalo akong napaluha. Niyakap ko ang aking tuhod. Narinig ko ang pag hawak silinyador nun. "Athena please on this door!" Si Riguel sa labas. Patuloy ang pag hikbi ko. Pakiramdam ko ay nagbabara ang lalamunan ko dahil sa matinding pag iyak. "P-please Riguel listen!" Nanginginig ang boses na sabi ko. "W-we got married three years ago… and you hate me so much. But in spite of everything nagpapasalamat parin ako sayo.. Y-you stayed with me for three years and I don't know your reason." Ako. Huminga ako ng malalim kasabay ng nagpupumilit kumawala ng hikbi. Tinutop ko ang aking bibig upang hindi iyon marinig. "Open this goddamn door Athena!" Halos sirain na niya ang pinto. "P-please Riguel!" Umiiyak kong sabi. "Please what Athena? I'm in love with you… alin dun ang hindi mo maintindihan?" Puno ng pagmamakaawa sabi niya. "Please.. open this door, Athena.." "Let me in." "Let me in again in your life.. I promise I'll be good.. please.." puno ng sakit na pag mamakaawa niya. Tumingala ako sa kisame. Patuloy parin ang pag bagtas ng luha sa aking pisngi. Patuloy ang kirot ng aking puso. "K-kung maaalala mo ang lahat ng nakaraan natin… nakasisiguro kong hinding hindi mo masasabi ang lahat ng iyan." Halos pumiyok na ang boses ko. "Bago ka umalis ng hotel ay sinundan kita… but I didn't catch you going away… " "Naaksidente ako Athena, at the same time you left, I lost my memory… nagising akong walang maalala na kahit ano." "Na kahit ang pangalan ko ay hindi ko alam. But I remember one thing… ang mahanap ka. Walang gabi at umagang lumilipas na hindi kita naaalala. Hanggang sa unti-unting luminaw ang lahat sa akin." "N-nagtungo ako sa Isla verde for same reason. G-gusto kong bumawi kase mahal kita… gusto kong lumuhod sayo at magmakaawa.. n-na piliin mo ako ulit. Mahalin ulit.." Rinig narinig ko ang pag kadurog boses niya. Hindi ko na pigil ang mag hikbi ko. Unti-unti iyong lumakas. Na kahit anong pigil ko ay patuloy iyong nag traydor sa akin. "U-umalis kana Riguel!" Umiiyak na sigaw ko. "I can't hear you… please say it again." Nagmamakaawang sabi nito. "N-naguguluhan ka lang… malamang ay hindi pa malinaw ang lahat ng alaala mo tungkol sa akin…" "No, hindi ako naguguluhan.. kahit kailan ay hindi ako nagguluhan sa nararamdaman ko sayo… please Athena, don't break my heart like this… baby please let me in…" he said. Pumikit ako ng mariin. Kung hindi siya aalis ay ako ang aalis sa aming dalawa. Kahit nang hihina ang aking mga binti ay tumayo akong muli. Ngunit ilang hakba pa lang ang aking nagagawa patungo sa kusina. Kaagad kumalabog ng malakas ang pinto. Halos masira iyon. Nag tama ang mga tama naming dalawa ng iluwa siya ng pinto. I saw his familiar arrogant eyes. Kita ko ang pamumula nun. Bumitaw ako sa malamlam niyang tingin. Pakiramdam ko ay kung makikipag tagisan ako ay mas pipiliin kong manatili na lang sa kanya ay hindi na umalis. "I'm really… patawarin mo ako kung nag sinungaling ako sayo.. I'm sorry kung ngayon ay naguguluhan ka… sorry… s-sorry…" My voice is almost broken. Hindi ko na napigilan humagulgol. Hindi ko na siya magawang tingnan. Dahil mas lalo lang akong maiiyak pag pinagmasdan ko pa ang mukha na labis kong minahal. Umatras ako.. nang makita kong papalapit siya sa direksyon ko… hindi ko kayang mag patuloy kung patuloy niyang kakainin ang distansya naming dalawa. "I'm going to leave this place without you… wala akong pakialam kung hindi mo na ako mahal o lumipas na ang pagmamahal mo sa akin…" "I want to earn your love again… asawa kita at hindi mababago ng kahit na iyon." Aniya at tuluyang kinain ang distansya namin. Hinawakan niya ng maharahan ang aking pisngi. Sa unang pagkakataon. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa akin. Na walang kahit anong pag ayaw at pamimilit. "Accept me again... accept me as your husband again… you're the only one I love.. hindi ko kayang mag patuloy ng wala ka.. please.." anito. At pinag isa ang mga noo namin. "I-i signed the annulment paper before I left. Matagal ng walang bisa ng kasal natin.." I said. "I threw that piece of paper away. after you left me… dahil di ko pinahihintulutan ang pag alis mo." "You can never escape me… kahit iwan mo ako ng paulit-ulit. Hahanap pa rin ko ng paraan upang mahanap ka… hanggang sa mapagod kanang tumakas at manatili na lang sa akin. Wala kang choice Athena…asawa mo parin ako at pag aari kita." "Paano ang pamilya ko… paano si Ate Amara… paano kung ayaw ng pamilya mo sa akin." Nanginginig ang boses na tanong ko. Inangat niya ang aking baba upang mag lebel kaming dalawa. "I do not care about them… dahil simula ngayon ako na ang pamilya mo. Mananatili tayong isa. At tapat sa isa't isa…" Umiiyak akong tumitig sa mga mata niya. Habang ang luha ko ay walang tigil. Naramdaman ko ang mainit niyang daliri na pumawi sa aking mga luha. Paulit-ulit ako nuong humiling sa panginoon na bigyan ako ng isang pamilya. Pamilya na ituturing akong parte nila. Hindi pilit… pero sapat lang. At ngayon hindi ako makapaniwalang si Riguel ang ipagkakaloob niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang taong mag tuturing sa aking ng sapat at sobra sobra ako. Ay ang taong nasa harapan ko ngayon. Tumango ako sa kanya. Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa patuloy na pag hikbi. "Say it, Athena." Malamlam na bulong niya sa pagitan ng mga titig. "O-oo.." maharahan kong sabi. "O-oo… mahal na mahal kita Riguel… I want to spend my whole life with you." Nanginginig ang boses na sabi ko. Kita ko ang pag patak ng luha niya. Na ngayon ko lang nakitang umiiyak siya. Hindi na ito nag atubili at siniil ako ng malalim na halik. "I love you Athena.... let's get married again... mag pakasal tayo sa gitna ng Sagradong puno ng Armadillo.. " puno ng pagmamahal niyang sabi. The life we live is so uncertain that that we can least predict the very uncertainty that would be our woe. Pero kabila ng walang kasiguraduhan.. nanatili pa rin tayong tumataya at nanatiling umaasa. Na balang araw ay sasangoyn sa atin ang tadhana at magiging masaya. Namuhay kami sa Isla berde ng masaya.. at dun narin nag pakasal. Isang traditional wedding iyon. Nang umuwi kami sa syudad. Nag tungo kami sa magulang ni Riguel upang humingi ng basbas sa kanila. Hindi ko binalitaan ang pamilya ko sa naging desisyon ko. Ayaw nila sa akin at hindi ko na iyon ipipilit. Tingin ko ay dadating ang araw na mapapatawad ko sila. Ngunit tingin ko ay matagal na panahon pa iyon. Namuhay kami ng tahimik at minahamal ang isa't isa. Wala na akong hihilingin pang iba. Dahil lahat ng ito ay sobra sobra na. Sabay namin tinanaw ang magandang pag sikat ng araw. Habang mag kahawak ang aming mga kamay. "I love you Athena.." bulong ni Riguel sa pagitan ng mga yakap. "I love you too Riguel…" ako. At inilabas ang pregnancy test sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD