"TAPOS NA ANG BANAL NA MISA, humayo kayo at ipalaganap ang mabuting balita galing sa ating Panginoong Hesukristo"masayang pagtatapos ng pari sa misa. Masigabong palakpakan ang sunod na narinig sa buong simbahan, masayang nakikipalakpak naman ang anak niya maging siya kasama ng mga dumalo sa misa. "Saan gustong pumunta ng mga baby ko?"magiliw na tanong ni Claude sa mga anak nila. Dalawa na ang anak nila, dalawang taon na din mula noong kinasal sila ulit ni Claude. "Jollibee" "Ebee" Sabay na sigaw ng mga anak nila, naglilikot pa nga ang bunso nilang karga-karga niya kaya kinuha ito ni Claude sa kanya habang naglalakad sila palabas ng simbahan. "Jollibee na naman?"reklamo naman niya sa mga anak niya. Napahinto naman sa paglalakad ang panganay nila at tiningala siya. "Pero mommy, di b
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


