THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 21 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “E-EMILIO…” mahina kong tawag sa kanyang pangalan at hindi ko na mapigilan na mapapaiyak ngayon sa sobrang saya. I feel so safe now na bumalik si Emilio dito at hindi niya ako iniwan dito. “Hoy, Fidel! Bakit ka ba nangingialam dito? Diba ayaw mo rin sa mga Caballero? Malaki rin ang galit mo sa pamilya nila, diba? Dapat nga matuwa ka ngayon eh!” nakangisi na sabi ng lider nila na may hawak sa panga ko kanina. Nanginginig pa rin ako sa takot ngayon at biglang nawala ang ngiti sa aking labi ng maalala ko na hindi nga pala kami okay ni Emilio. Paano kung pagbigyan niya ang mga tambay na ‘to at saktan nila ako? Muli akong napatingin kay Emilio at nagmamakaawa ako ngayon sa kanya gamit ang aking tingin. Please, Lio

