TMSA: 4

1140 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 4 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “NA ENJOY mo ba ang pamamasyal mo sa labas, anak?” tanong sa akin ni Mommy ng makauwi ako sa bahay. Nandito siya sa aking kwarto ngayon, sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Katatapos lang din ng dinner namin at kami lang dalawa ni Mommy ang nasa hapag kainan dahil busy si Dad. Nasa kanyang condo unit din ngayon si Kuya Hugo kaya hindi ito umuwi sa bahay kaya kami lang ang nandito ni Mommy. Kaya rin siguro sobrang saya na niya na nandito na ako dahil hindi na siya mag-iisa pa. Tumingin ako kay Mommy at naalala ko ‘yung sinabi kanina ni Emilio sa akin tungkol sa pamilya ko. Totoo ba ‘yun? Na ang pamilya ko ang pumatay sa Mom niya, o dala lang ‘to ng galit niya sa pamilya ko? Huminga ako ng malalim bago ako magsalita at sagutin ang tanong ni Mom. “Nag enjoy po ako, Mom. Lalo na po sa pamamasyal sa parke. Masaya ako na may park na dito sa Andalucia, may bago na namang papasyalan ang mga tao rito,” nakangiti ko na sabi kay Mommy. Ngumiti rin pabalik si Mommy at tumango siya. “Buti at nagustuhan mo, anak. Nagpapasalamat nga ako at sa wakas, sinunod na rin ng Dad mo ang proposed project ko sa park. Ilang ulit akong nag request niyan sa dad mo, pero hindi nagagawa dahil may priorities siya. Pero nang makita niyang need na rin ‘to sa mga mamamayan ng Andalucia ay ginawa na rin niya naman, at maganda pa!” nakangiti na sabi ni Mommy sa akin. Napatango ako sa sinabi ni Mommy at muli akong napangiti. Nagkakamali si Emilio na isipin na lahat ng mga Caballero ay corrupt at sakim sa kapangyarihan. Si Mommy ay nagtatrabaho ng maayos at may malasakit siya sa mga tao sa Andalucia. Sana nga ay siya na ang tumakbong Mayor sa susunod eh at hindi na si Daddy. Alam ko na maraming boboto kay Mom dahil maayos siya sa kanyang pagtatrabaho. “Mom… may tanong sana ako sayo,” mahina kong sabi kay Mommy. Napatingin sa akin si Mom at hinaplos niya ang aking pisngi at nginitian niya ako. “Yes, anak? Ano ang tanong mo,” sabi ni Mommy sa akin. Pwede naman akong magtanong kay Mom tungkol sa pamilya ni Emilio, right? Gusto ko lang malaman kung totoo ba o hindi ang paratang niya sa pamilya ko. “Uhm, mommy… kilala niyo ba ang mga Valencia?” mahina kong tanong kay Mom ngayon. Ang kanina na nakangiti na si Mommy ay unti-unting naging seryoso. “Bakit mo natanong, Aubrielle?” seryoso na sabi ni Mom ngayon sa akin. Napalunok ako sa aking laway at nakaramdam ako ng kaba dahil first time ko na nakitang ganito ka seryoso si Mommy. “N-Narinig ko lang po… may sabi sabi po kasi akong narinig,” mahina kong sabi kay Mommy. Napakunot ang noo ni Mommy at hinawakan niya ang magkabila kong balikat ngayon at nagsalita siya. “Ano ang sabi sabi na narinig mo galing sa kanila, anak?” tanong ni Mommy sa akin habang nakatingin siya sa aking mga mata. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata bago ako magsalita at sabihin sa kanya ang narinig ko mula kay Emilio. “A-Ang pamilya daw natin ang pumatay sa Ina ni Emilio Valencia… totoo ba ‘yun, Mommy?” mahina kong tanong sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at nabitawan niya ako ngayon at napaiwas siya ng tingin sa akin. Bigla akong nanlamig at kinabahan ako bigla sa naging reaksyon ni Mommy ng sabihin ko ‘yun sa kanya. “M-Mommy, may problema po ba?” mahina kong tanong sa kanya. Nag-aalala ako kay Mommy ngayon dahil hindi pa rin siya nagsasalita. Huminga siya ng malalim bago siya muling tumingin sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nagsalita siya. “Aubrielle, ang lalaking si Fidel Valencia ba ang nagsabi nyan sayo? Nagkita ba kayo kanina sa parke habang namamasyal ka? Magsabi ka ng totoo sa akin,” seryoso na sabi ni Mommy sa akin ngayon. Nakakaramdam na ako ng takot ngayon. Wala akong magawa kundi ang tumango kay Mommy dahil hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Mariin siyang napapikit sa kanyang mga mata bago siya huminga ng malalim at muli siyang tumingin sa akin at nagsalita siya. “Brielle, huwag na huwag kang makinig sa batang ‘yun. Puro galit lang ang pinapakain ng pamilya niya sa kanya. Hindi ang pamilya natin ang pumatay sa kanyang ina. Naintindihan mo ba ‘yun, Aubrielle? Inosente ang pamilya natin. Wala tayong pinapatay na tao,” seryoso na sabi ni Mommy ngayon habang nakatingin siya sa aking mga mata. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili ngayon na maging emosyonal dahil hindi ko kayang tanggapin ang sinabi ni Mommy… na inosente ang pamilya namin. Hindi man ako nagsasalita, pero alam ko ang baho ng pamilya namin—simula pa sa pamilya ni Lolo. Alam ko na ginagawa lang ‘to ni Mommy dahil mahal na mahal niya si Daddy. “M-Mom, sigurado ka ba talaga na inosente ang pamilya natin?” nasasaktan kong tanong sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha ngayon ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Malungkot siyang ngumiti sa akin at hinaplos niya ang aking pisngi at nagsalita siya muli. “Hindi, anak. Pero alam ko na hindi tayo mamamatay tao. Hindi tao ang pumatay sa Valencia na iyon. Kaya ikaw, huwag kang lalapit sa lalaking ‘yun. Para na rin sa kaligtasan mo, anak. Hindi ko kayang mapahamak ka, okay? Please, layuan mo ang mga Valencia,” mahinang sabi ni Mommy ngayon habang nakatingin siya sa aking mga mata. Ang bigat ng dibdib ko ngayon habang sinasabi niya iyon sa akin. Huminga ako ng malalim at wala akong magawa kundi ang tumango. Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi at hinalikan niya ako sa aking noo at niyakap niya ako. “Thank you, anak. Marami ka pang maririnig na mga pambabatikos sa pamilya natin. Sana ay patuloy mo pa ring piliin ang pamilya natin dahil isa kang Caballero. Kami pa rin ang kakampi mo kahit anong mangyari,” wika ni Mommy habang yakap niya ako ngayon. Napapikit ako sa aking mga mata at hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko alam… pero naninikip ang dibdib ko habang sinasabi ‘yun ni Mommy sa akin. Parang ang hirap naman maging parte ng pamilyang ‘to. Hindi ko nararamdaman ang pagiging masaya. Parang ang hirap na sabihin na isa rin akong Caballero. Pwede bang iba na lang ang apelyido ko? Sigurado akong magagalit din sa akin si Emilio kapag nalaman niyang isa akong Caballero. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya ay nasasaktan na ako. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD