THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 28 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINDI KO MAPIGILAN ang bibig ni Sean kung ano ang mga sasabihin niya sa mga kaklase ko at pati na rin sa mga professors namin. Isa rin talaga ‘to sa mga hindi ko nagustuhan noon kay Sean ng magkarelasyon pa kaming dalawa—ang bibig niya at ang mga salitang lumalabas dito. Kung ano na lang na mga kasinungalingan ang mga sinasabi niya para lang mag mukha na siya ang bida. Akala ko ay nagbago na siya, pero parang mas lumala pa ata talaga. “So, isa kang sikat na model doon sa USA, Sean?!” tanong ng isa naming kaklase sa kanya. Wala kaming klase ngayon dahil hindi pumasok ang professor namin kaya nandito lang kami sa loob ng classroom namin. Dahil wala ang professor namin, muli na namang nag silapitan ang iba nami

