THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 25 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. HINALIKAN AKO ni Emilio sa aking labi ngayon. Hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Hindi pa rin ako makagalaw ngayon sa aking kinauupuan. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata ng dahil sa gulat. Ang lakas ng t***k ng aking puso ngayon at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Itutulak ko ba si Emilio, o hahalikan ko siya pabalik? Bago pa ako makapag react, bahagya na niyang inilayo ang kanyang mukha sa aking mukha—tapos na niya akong hinalikan. Pero hindi pa rin mawala ang pagkagulat ko sa aking mukha ngayon. Si Emilio naman ay namumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Hinawakan niya muli ang aking mukha kaya napalunok ako sa aking laway at napa kurap-kurap na ako sa aking mga

