THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 23 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. TUMAWAG SI EMILIO sa akin matapos kong ma-send sa kanya ang text message ko na gusto kong makipagkita sa kanya. “Anong sabi mo?!” bungad niyang sabi ng masagot ko ang kanyang tawag. Huminga ako ng malalim at nagsalita ako. “Papunta na ako sa bahay niyo. Gusto kitang makita—” “Sino ang kasama mo ngayon? Nakasakay ka ba sa kotse niyo? Si Kuya Edgar ba ang nagdadrive ngayon para sayo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Bahagya akong napakagat sa aking labi at napasulyap ako kay Kuya Edgar na seryoso lang ang tingin ngayon habang nagdadrive. Malaki ang pasasalamat ko ni Kuya Edgar dahil pinagbigyan niya ako sa gusto kong makikipagkita kay Emilio. Pero nasa kay Emilio pa rin ‘yun kung papayagan niya ako sa ka

