TMSA: 12

2765 Words
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIR KABANATA 12 AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “TINULAK MO PA talaga si Irish, huh?” Napatingin ako kay Emilio ng sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis ng sabihin niya iyon sa akin ngayon. “Dahil sinabunutan niya ako! Siya ang nauna sa aming dalawa ng hilain niya ang buhok ko. Sinubukan ko siyang pigilan, pero bigla niya na lang kinalmot ang pisngi ko—aray naman! Mag hinay ka naman sa paglinis sa sugat ko!” sabi ko sa kanya ng nakaramdam ako ng hapdi sa aking leeg ngayon. Nandito kami ni Emilio sa loob ng clinic at siya mismo ang naglinis sa mga sugat ko ngayon dahil busy ang nurse dito. Si Emilio rin ang nag volunteer na gamutin ako kaya wala na akong magawa. Nagtataka nga ako ngayon kung bakit niya ako tinutulungan eh. Siguro dahil gusto niya lang akong pagalitan kagaya ng ginagawa niya ngayon sa akin? “At bakit ka naman sa sabunutan ni Irish? Mabait siya,” sabi ni Emilio at tumingin siya sa akin. Napataas ang kilay ko ng sabihin iyon ni Emilio sa akin. Wow! Si Irish, mabait? Parang hindi naman. Baka sa kanya, oo. Mabait si Irish sa kanya dahil crush siya nito. Pero sa ibang tao, lalo na sa akin? Demonyo siya. “Hindi ko nararamdaman ang kabaitan ng babaeng ‘yan,” malamig kong sabi sa kanya at napairap ako. Napatigil si Emilio sa paggagamot sa akin kaya muli akong napatingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin. “Ano bang plano mo Aubrielle?” bigla niyang tanong sa akin. Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng sabihin niya iyon sa akin. Plano saan? “Anong plano ang pinagsasabi mo dyan?” tanong ko sa kanya. “This, ang pag enroll mo dito sa Andalucia Community College. Alam ko na may dahilan kung bakit ka nag enroll dito… at may kinalaman ito sa mga magulang mo. Am I right, Aubrielle?” seryoso na tanong sa akin ngayon ni Emilio. Kaya niya ba ako hinila palabas ng classroom at sinamahan dito sa clinic para kausapin ako tungkol sa tinanong niya ngayon. Hindi talaga siya pumunta dito para gamutin lang ako? Tinignan ko siya ng seryoso ngayon sa kanyang mga mata at nagsalita ako. “Kung ano mang iniisip mo ngayon tungkol sa akin, nagkakamali ka. Gusto ko lang tumira ulit dito sa Andalucia, Fidel. I miss my family, especially my mom. Kaya ako umuwi dito at kaya rin ako dito na nag-aaral sa Andalucia Community College. Wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasabi mo,” seryoso niyang sabi sa akin ngayon. Ngumisi siya at bahagya akong natigilan ng makita ko na unti-unti niyang nilalapit ang kanyang mukha sa aking mukha ngayon. Napalunok ako sa aking laway at nararamdaman ko na ang malakas na pagkabog ng aking dibdib ngayon. “Akala mo ba ay maloloko mo ulit ako, Aubrielle? Aalamin ko kung ano ang sikreto mo—kung ano ang binigay na agenda sayo ng mga magulang mo,” madiin niyang sabi sa akin. Nakaramdam ako ng inis kaya itinulak ko siya palayo sa akin. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha ng gawin ko ‘yun sa kanya. “Ang kulit! Sabing wala nga eh! Paano ko sasabihin sayo ang hindi ko naman alam? Pauso ka rin talaga! Eh kung pag-usapan na lang kaya natin ang about sa project natin? Ayokong bumagsak sa subject kay Ma’am Catubig, Fidel. Ayokong pagalitan ako ng mga magulang ko,” seryoso ko na sabi sa kanya ngayon. May nakita akong amusement sa kanyang mukha ng sabihin ko ‘yun sa kanya. Napa crossed arms siya at napa tango-tango bago siya humakbang palapit sa akin at nagsalita siya muli. “Sige, gawin natin ang project natin… basta doon tayo sa bahay niyo gumawa ng project,” sabi niya sa akin ngayon na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi at napa kurap-kurap din ako. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay at muli siyang nagsalita. “Oh, bakit ka na tahimik diyan? Hindi mo ako kayang papuntahin sa bahay niyo—” “Sige, sa bahay tayo gumawa ng project,” pagputol ko sa kanyang sasabihin ngayon. May nakita akong gulat sa kanyang mukha na para bang hindi niya ini-expect na papayag ako sa kanyang kagustuhan. Tumango siya at bahagyang ngumisi sa akin at nagsalita siya muli. “Good. Sa sabado tayo gagawa ng project natin, at dapat kapag sinabi kong nasa harapan na ako ng gate ng bahay niyo ay sasalubungin mo kaagad ako sa labas, maliwanag?” Ang dami namang demand ng lalaking ‘to! Hindi ko mapigilan na mapairap sa aking mata at napatango ako. “Fine! Ang dami mong demand!” Mahina siyang tumawa at nagsalita siya muli. “Good. Mag-stay ka muna dito. Pagalingin mo muna ‘yang sugat mo. Tatawagin ko si Mia para masamahan ka dito,” sabi niya at lumabas na siya ngayon ng clinic at naiwan na lang akong mag-isa dito ngayon. Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napahawak ako sa aking dibdib upang pakiramdaman ko ang malakas na t***k ng aking puso. Ito ang unang beses na nakapag-usap ulit kami ng ganito katagal at kalapit ni Emilio. At may saya akong nararamdaman ngayon sa nangyari kanina, kahit an sinabunutan ako ni Irish sa room at marami akong mga kalmot galing sa kanya. Napahiga ako ngayon dito sa kama sa may clinic dahil iyon ang sabi ni Emilio eh, ang magpahinga. Habang nakahiga ako ngayon ay tulala lang ako habang nakatingin sa may kisame. Nakahawak ako ngayon sa aking dibdib at napaisip ako sa mangyayari ngayong sabado. Paano ko ipapaaalam kay Mom na pupunta si Emilio sa bahay? Sigurado ako na kapag nalaman niyang isang Valencia si Emilio ay agad niya itong paalisin ng bahay at pagagalitan niya rin ako. Pero wala na akong choice. Kailangan na rin naming gawin ni Emilio ang project namin. Kung ito man ang daan para maging close kami ulit ni Emilio, at makilala niya ako ng lubusan, kukunin ko na itong opportunity at hindi ko na rin ito sasayangin. “Aubrielle? Aubrielle?!” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at napaupo ngayon sa kama galing sa pagkakahiga ng marinig ko ang boses ni Mia. “Aubrielle!” nang makita ako ni Mia ay mabilis siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Bahagya akong nagulat sa kanyang ginawa na pagyakap sa akin, pero napangiti rin ako at niyakap ko rin siya pabalik. Nang matapos kaming nag yakapan dalawa ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at nanlalaki ang mga mata niya sa gulat ng makita niya ang sitwasyon ko ngayon. “Bakit ang dami mong mga kalmot sa mukha?! At may sugat ka rin dito sa leeg mo! Akala ko talaga ay pina-prank lang ako ni Fidel ng sabihin niyang nandito ka sa clinic at kailangan mo ng kasama ngayon eh,” natataranta na sabi ng aking kapatid ngayon. Ngumiti ako kay Mia at hinawakan ko ang kanyang kamay ngayon. “Mia, kumalma ka… okay lang ako,” malumanay ko na sabi sa kanya ngayon. Nakita ko naman na kinakalma na ni Mia ang kanyang sarili ngayon at napa tango-tango siya. Ngumiti muli ako sa kanya at nakaramdam ako ng saya habang nakikita ko na labis na nag-aalala sa akin si Mia. Ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng kapatid na may pag-aalala sa akin. Hindi ko kasi ‘to naranasan kay Kuya Hugo dahil hindi naman kami close at kapag nagkakasama naman kami sa bahay ay lagi niya akong inaaway. Napa buntong hininga si Mia at umupo siya ngayon sa gilid ng kama habang nakaharap sa akin at hinawakan niya ngayon ang aking kamay at nagsalita siya. “Aubrielle, ano bang nangyari sayo? Hindi kasi sinagot ni Fidel ang tanong ko kanina kung ano ang nangyari sayo eh. Sino ang umaway sayo? Please, huwag kang magsinungaling sa akin,” sabi ni Mia sa akin na may pag-aalala. Sumeryoso na rin ang mukha ko ngayon habang nakatingin sa aking kapatid at sinabi ko sa kanya ang totoo. “S-Si Irish Gonzaga, iyong kaklase namin, sinabunutan niya ko,” pagsusumbong ko kay Mia ngayon. Nang sabihin ko iyon sa kanya ay may nakita akong galit sa kanyang mukha. “Ang babaeng ‘yun… hindi pa rin pala tumitigil ang babaeng ‘yun sa pambubully?!” galit na sabi ni Mia ngayon sa akin. Napa kunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi ngayon. “What do you mean, Mia? May inaway na rin ba noon si Irish?” tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim bago siya muling tumingin sa akin at seryoso siyang napatango at nagsalita siya muli. “Yes, Brielle, sobrang dami na! Kaklase ko ‘yan dati si Irish simula elementarya hanggang high school. Ang dami na niyang inaway na mga transferee students sa paaralan namin! Akala ko talaga ay nagbago na ang babaeng ‘yun, pero mas lalo lang palang lumala,” nakasimangot na sabi ni Mia habang kinukwento niya ang tungkol kay Irish. Hindi na ako nagulat sa kanyang kinuwento ngayon tungkol kay Irish dahil halata naman sa kanyang mukha at kung paano niya ako awayin kanina, at kung paano rin siya magmakaawa kay Emilio at baliktarin ang nangyari kanina. “At isa pa, may gusto siya kay Fidel. Kaya lahat ng mga babaeng bago sa paningin dito sa Andalucia ay inaaway niya dahil natatakot siya na magkakagusto si Fidel dito. And you came! Halata naman na may gusto sayo si Fidel, at nakita ‘to ni Irish, kaya ikaw ang inaaway niya ngayon,” muling sabi ng aking kapatid ngayon. Pero nagulat ako ng sabihin niya na may gusto sa akin si Fidel. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso ngayon sa sinabi ng aking kapatid, at mukhang nakita niya ito ngayon kaya napailing-iling siya habang nakatingin sa akin. “Oh, no! Aubrielle, ayokong umasa ka,” mahinang sabi ni Mia sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kanya ngayon at nagsalita ako. “M-Mia, gusto ko talaga si Emilio. At kanina, habang ginagamot niya ang mga sugat ko, maingat talaga siya. Nakikita ko sa kanyang mga kilos na may pag-aalala siya para sa akin,” mahina kong sabi sa aking kapatid ngayon at muli kong naalala ang nangyari kanina—ang paggamot sa akin ni Emilio at hindi ko na naman na mapigilan na makaramdam ng kilig. Ayokong mag-assume, pero alam ko na may gusto sa akin si Emilio, gusto kong paniwalaan ang sinabi ng aking kapatid ngayon. “Brielle, alam mo naman ang background ni Fidel diba?” nag-aalala na sabi ni Mia sa akin ngayon. Napa buntong hininga ako at napatango. “Yes, alam ko na galit siya sa pamilya ko, Mia. Pero iba naman ako sa ibang mga Caballero. Hindi ako masamang tao, at alam mo ‘yun,” sabi ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa akin at tumango-tango siya. “Yes, Brielle. Alam ko na mabuti kang tao. Sa pagtanggap mo pa lang sa akin bilang kapatid mo ay alam ko ng mabuti kang tao. Pero kahit na mabuti kang tao, hindi pa rin mawawala sa dugo mo na isa kang Caballero, at iyon ang nagpapatigil kay Fidel para gustuhin ka,” seryoso na sabi ng kapatid ko ngayon sa akin habang nakatingin siya sa aking mga mata. Nang sabihin iyon ni Mia sa akin ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na masaktan. May kirot sa dibdib ko ng sabihin niya iyon sa akin. Bahagya akong napayuko at pinipigilan ko ngayon na maiyak. Mariin akong napapikit sa aking mga mata at pinakalma ko muna ang aking sarili. Huminga ako ng malalim bago ako muling mag angat ng tingin sa aking kapatid at nagsasalita ako. “Pupunta si Emilio sa bahay ngayong sabado, Mia,” seryoso ko na sabi sa kanya. Nang sabihin ko ‘yun sa kanya ay nakita ko ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. Bigla rin siyang namutla na para bang may nasabi akong masama. “H-Huh? Bakit? Aubrielle, bawal!” natataranta niyang sabi sa akin. Napa kunot naman ang noo ko ngayon ng sabihin ko ‘yun sa kanya. “Bakit naman bawal? Mia, gagawa lang kami ng project ni Emilio doon at wala nang iba,” sabi ko sa kanya. Napasapo siya sa kanyang noo na para bang bigla siyang na stress sa sinabi ko ngayon. Huminga siya ng malalim bago siya muling tumingin sa akin at nagsalita siya. “Hindi papayag ang mga magulang mo, lalo na si Vice Mayor, Aubrielle. Hindi mo ba alam na banned na ang mga Valencia sa bahay niyo? Hindi na sila makakatapak sa bahay niyo simula ng akusahan nila na ang mga magulang mo ang dahilan kung bakit namatay ang ina ni Emilio,” seryoso na sabi ni Mia ngayon sa akin. Napalunok naman ako sa aking laway at bigla akong na-curious tungkol sa nangyari sa ina ni Emilio. “Bakit? Ano ba talaga ang totoong nangyari, Mia? Hindi ko alam ang tungkol diyan,” tanong ko sa kanya. Napatingin si Mia sa paligid at napatayo na muna siya. Biglang umalis si Mia at narinig ko na lang ang pag lock niya sa pinto ng clinic bago siya muling bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama habang nakaharap sa akin. “Kailangan ko munang masigurado na walang ibang tao dito sa clinic, Brielle. Masyado kasing sensitive itong topic na ‘to,” mahinang sabi ni Mia sa akin. Napalunok ako sa aking laway at mas lalo akong kinabahan. Napatango naman ako at naghintay na magsalita siya at sabihin sa akin ang totoo. Huminga muna siya ng malalim at nagsimula na siyang mag kwento ngayon sa akin. “Ang Mama ni Fidel, kasambahay siya dati ng pamilya niyo, Aubrielle. Ang totoo niyan ay number one supporter talaga ng mga Caballero ang mga Valencia. Kaya lahat ng mga kasapi sa pamilya Valencia ay may trabaho sa munisipyo at pati na rin sa pamamahay niyo—at isa na dito ang ina ni Fidel,” panimula na sabi ni Mia sa kanyang pagkukwento ngayon tungkol sa pamilya ni Emilio. Hindi ako makapaniwala na dati palang supporter ang pamilya ni Emilio sa pamilya ko sa politika. Pero anong nangyari ngayon? Bakit nag iba ang ihip ng hangin at naging number one basher na sila ngayon? “A-Anong nangyari sa sumunod, Mia?” mahina kong tanong sa kanya. Huminga siya ng malalim at nagsalita siya muli. “May usap-usapan na si Mayor, ang ama mo, siya ang ama ng pinagbubuntis ng ina ni Fidel noon, Brielle.” Nang sabihin iyon ni Mia ay nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi kaya nagpatuloy siya sa kanyang pagkukwento ngayon. “Nabuntis kasi ang ina ni Fidel habang nagtatrabaho siya sa bahay niyo. At lagi na ring nag-aaway ang mga magulang ni Fidel noon ng dahil sa mga kumakalat na chismis na kabit ang mama nya ni Mayor. Hanggang sa… hanggang sa bigla na lang nawala ang ina ni Fidel at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahahanap,” mahinang sabi ni Mia at napayuko siya. Nang sabihin iyon ni Mia ay napasinghap ako sa gulat at napatakip ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala na iyon pala ang nangyari sa ina ni Emilio… kaya galit na galit siya sa pamilya ko. Muling nagsalita si Mia kaya nakinig muli ako sa kanya. “At sinisisi ng mga Valencia sa pamilya niyo ang pagkawala ng ina ni Fidel, Brielle. Pero ang sabi ni Mayor ay magnanakaw ang ina ni Fidel at umalis ito sa pamamahay niyo pagkatapos mawala ang iba nyong mga gamit doon at pera. Kaya dahil doon, pinaalis lahat ng mga Valencia sa kanilang trabaho… at doon din nagsimula ang galit sa pagitan ng mga Caballero at mga Valencia.” Napatulala ako ng sabihin iyon ni Mia at parang biglang bumigat ang dibdib ko sa mga nalaman ko ngayon kaya napahawak ako dito at napaisip ako bigla. Akala ko ay kagaya ng ibang tao lang ang galit ni Emilio sa pamilya ko—na dahil lang sa pagiging corrupt nila, pero hindi pala… may malalim pala na rason ni Emilio kung bakit siya galit sa pamilya ko. At ngayon ay mas lalo akong nanlumo at nawala ang pag a-assume ko na magugustuhan pa ako ni Apollo. Dahil sa mga nangyari sa buhay niya, kung ako ang nasa posisyon niya ngayon… hindi rin ako magkakagusto sa aking sarili at kamumuhian ko ito nang buong buhay ko. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD