TASHA Mabilis na lumipas ang mga araw. 'Ni hindi ako makapaniwala na may nobyo na nga ako. I broke my own promise. Na hindi muna ako magnonobyo hanggat hindi pa ako nakakapagtapos. Pero nangyari na. Nagkanobyo na nga ako. Gurang pa! Possessive, seloso, praning pa! Lahat 'ata ng bagay na ayaw ko sa isang lalake nasa kan'ya na! He's the opposite of what I called, ideal man. But He's now my boyfriend. Hindi ako sigurado kung totoong pagmamahal nga itong nararamdaman ko, pero masaya ako sa kan'ya. Masaya ako sa relasyon namin... Masaya ako sa piling niya. Ni hindi ko maramdaman ang agwat ng edad namin. Basta ang nararamdaman ko lang masaya kami sa piling ng isat-isa. Wala sa loob na napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na unti-unti nang namumukadkad sa ma

