TASHA Halos pagulungin na niya ako paalis ng kama. Ang aga-aga pa kaya. Mag-alas siete pa lamang ng umaga. Tulog pa nga ang kambal e. "Sige na Mare, tumayo ka na!" “Hinaan mo nga yang bibig mo baka magising mo ang mga anak ko!” Masama ang tingin ko sa kanyang babala. Napalabi siya. “Tumayo ka na kase riyan Mare, mag-aayos ka pa e.” Nanghahaba ang nguso nito. Napakunot ako ng noo. Anong ibig sa sabihin niyang mag-aayos pa? Ah, maliligo at magbibihis? Baka wala pa ngang isang oras ay tapos na ako. Mabilis lamang akong maligo at hindi rin ako magsusuot ng bongga. Maghahatid lang naman ng kontrata! Palakas na nang palakas ang boses niya at bago pa niya mabulabog ang mga anak ko, ay tumayo na nga ako at nagtungo ng banyo. “Bakit yan ang suot mo?” Ang parang dismayado at nanghihint

