CHAPTER-16

1592 Words

TASHA "Irog ko.." ang sambit nito. Puno pa rin ng pag-aalala itong nakatingin sa akin. Hindi nito inalintana ang nag-aapoy kong tingin na halos tupukin siya. "A-ang sabi nila Nanay Gloria, u-umiiyak ka raw. Okay ka lang ba, Irog ko?" marahan itong lumapit sa akin. "Huwag kang lalapit sa akin." Ang walang buhay kong sabi. Muling nag-init ang sulok ng aking mga mata. Kasunod noon ay muling pag-bulwak ng masagang luha ko. "S-si Dado? Kilala mo siya?" ang naisatinig ko. Ewan ko kung bakit 'yon pa rin ang lumabas na tanong sa bibig ko. It doesn't make sense kung tutuusin, dahil alam ko na naman ang sagot. Pero siguro, gusto ko lang na magkaroon ng closure! O, baka gusto kong umasa na kaya kong tanggapin ang paliwanag niya? Pero kaya ko nga ba? Gano'n-gano'n na lamang ba iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD