Miss "A-Ano?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako, maiinis o maiinsulto. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sinasabi niyang maging aso niya ako. "You heard me." "I mean, aso? Aso mo? Ba't hindi girlfriend?" I suddenly snapped. Oh just great. Sigurado akong babarahin niya naman ako eh masama ugali niyan. Baka sabihin niya pang nag-aassume ako. Halatang iyon talaga ang sasabihin niya sakin lalo na't umangat na sa akin ang kanyang kilay. Akala ko may sasabihin siya kaso inalis rin ang tingin sa akin at binuklat muli ang libro. Darn it! Ang hirap rin talagang intindihin ng lalakeng ito. "Sa lahat ng maiisipan mo ay aso pa." Napaismid ako. Pinagtitripan niya ba talaga ako? Of course Red. Alam niyang pinaglaruan mo siya kaya gumaganti iyan. "Dogs are more obedient than a

