Paatras siya nang paatras tulad nang ginagawa ko noon kapag nagmamakaawa ako kay Benjamin. Hindi ko napigilan ang mapasigaw at napatakip sa dalawang tainga ko nang ihampas n’ong nasa TV ang dala-dala niyang latigo sa babae. Biglang nawala ang naririnig kong sigaw at alam kong pinatay ni Rome ang TV. “Ang ingay! Ikaw ba 'yung artista, huh?!” may pagalit niyang sermon. Napakagat ako ng labi at napahikbi ng mahina. “S-Sorry.” Kung alam mo lang Rome kung gaano kasakit madampi sa balat ‘yang latigo. “Anong iniiyak mo? Pagod ka na sa inuutos ko? My door is open for you!” Singhal niya. Inilig ko ang ulo ko ng ilang beses. “N-No, sir. I’ll stay po,” sambit ko na diretso ang boses. Pinunasan ko ang mukha ko. “Then good. Ipunin mo lahat ng mga nakahilatang pagkain sa sahig at ilagay

