"O, namamaga mga mata mo?" "Good morning to you, too, Tony. Pwede bang lagyan mo muna ng laman ang tiyan mo bago mo 'ko pakialaman?" Umupo siya sa katapat kong upuan sa dining table at walang paalam na inagaw ang tasa ng kape na iniinom ko. "What the hell is this?" reklamo niya agad. "It's black coffee. I need it." "Ganiyan ba kapait ang buhay mo?" Hindi na ako sumagot. Kinuha ko ulit 'yung tasa at inubos ang kape para makaligo na rin ako. "Talagang sa living room mo na ako hinayaang makatulog at hindi man lang pinagbihis, 'no?" pahabol na reklamo niya pa nang paalis na 'ko sa dining room. "Alangan namang bihisan pa kita, e, mukhang komportable na tulog mo. At saka, wala ka namang dalang damit, 'di ba?" "Hindi mo man lang ako pahihiramin?" "Kasalanan mo 'yan, hindi mo dinala gamit

