Chapter 5

2120 Words
“A-Aray!!” impit na sigaw ni Gwen habang hawak ang braso niyang natamaan. Tiningnan niya ang may gawa nito sa kaniya saka uminit ang kaniyang ulo. “S-Siraulo ka! B-Bakit mo ako hinampas?” Nakita niya ang nabitawan nitong rifle saka niya ito madaling dinampot. “I-Ikaw kaya ang hampasin ko!” Sa galit niya ay pinaghahampas niya ang binata. “M-Miss⸻hey!” Umiwas ito sa paghampas niya at ginawang panangga ang isang braso. “Ouch!!” “B-Bakit mo ako hinampas, ha?!” tanong niyang muli rito habang hawak pa rin ang rifle at walang tigil na pinaghahampas niya ito. “T-Tama na! Nagkakamali⸻aaahh!!” sigaw nito nang malakas. Noon lang siya natauhan nang pag-atras nito ay may kahoy na nakausli at natumba ito sa damuhan. Noon lang din na-realize ni Gwen na hindi lamang binata ang pinaghahampas niya kung hindi isang may lahing binata. Nakita na niya ito noong unang pagpasok pa lang nila sa Camp. Agaw atensiyon ito sa lahat dahil sa bukod sa iba ang dating nito, mukhang kilala pa ng major general. Hindi agad siya nakapagsalita habang pinapanood itong namimilipit sa sakit. Sa sobrang galit niya ay hindi niya alam kung gaano kalakas ang paghampas niya lalo pa at wooden rifle ang hawak niya. “W-What happened?” tanong ng opisyal na dumating sa eksena. “R-Rios?!” Nagulat ito sa nakitang namimilipit ang binatang tinawag na Rios. Agad din nitong dinaluhan ang binata at sumigaw. “Medic! Medic! Medic!” Nagkagulo na ang paligid niya nang dumating ang mga medical soldier. Tila ba natulos na siya sa kaniyang kinatatayuan. Nanginig din siya sa nangyari dahil hindi na rin halos umiimik ang binata nang tanungin ito ng sundalo. Siya naman na dinala rin ng isang babaeng sundalo upang makaalis sa lugar na iyon. Kanselado na ang training sa hapon na iyon at siya naman na nasa General’s Office upang magpaliwanag sa nangyari. Takot na takot siya at halos nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa nangyari. Maraming posibilidad na mangyari oras na tanggalin siya sa listahan. Nang makita niya ang papasok na heneral ay agad siyang tumayo kasabay ng lihim na paglunok. “Ikaw si Gwen?” Nagsalubong agad ang kilay nito sa kaniya at halatang malalim ang tingin. “Y-Yes, sir. A-Ako nga po.” Bahagyang nanginginig pa rin ang boses niya at dama niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Isinara naman ng isang opisyal ang pinto at ang heneral naman ay hinarap siya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano niya depensahan ang sarili. May kaunting bendahe rin ang kaniyang braso dahil sa namaga rin ito. Tinamaan din siya pero hindi naman gaanong malala. Naramdaman pa niya ang malalim na buntong hininga ng heneral. “Gwen Alexha Sevellino, tell me the whole story. What happened between you and Xander?” “Xander?” Maaaring iyon ang pangalan niya. “Yes. Ang lalaking hinampas mo ng rifle kanina ay anak at apo ng isang ex-general. Alam mo ba iyon?!” Dumadagundong ang boses ng heneral ngunit pinigilan din nito ang sarili. “Damn it.” Sabay hampas rin nito sa mesa. “S-Sir, kasi… N-Nagtungo ako sa talahiban dahil…dahil malayo ho ang banyo. H-Hindi ko na ho napigilan ang sarili ko kaya…kaya umihi ako roon. Pagkatapos ko naman ay nagulat na lang ako na may humampas sa braso ko at sa galit ko ay binawian ko siya. H-Hindi ko naman po sinasadya dahil nga po ay nabigla rin ako. Sorry po,” garalgal niyang tugon dito. Napahilot sa sentido ang heneral. “My god. Kayong mga kabataan talaga, kayo ang pag-asa ng bayan pero kayo itong… Bueno, dahil sa ginawa mo, magdedepende ang desisyon sa itaas kung ipagpapatuloy mo pa ang iyong training o hindi na.” “P-Pero, sir. Denepensahan ko lang naman ang sarili ko sa nangyari. Oo at may kasalanan ako pero hindi naman siguro dahilan iyon para…para makansela ang training ko. Sir, maawa na kayo. Gusto kong makapasa sa training na ito para kapag natapos ako ang pag-aaral ko ay magserserbisyo ako sa bayan natin. Sir, please po,” pagmamakaawa niya. “Ms. Sevilleno, as I said earlier, nasa taas na ang desisyon. Gusto ko rin maging patas sa iyo pero ang nakabangga mo ay isang matibay na pader. He’s Alexander Rios III or Xander for short. Ang ama niya ay isang US General sa main base na si Alexander Kier Vincent Rios. Ang lolo niya ay si retired Ex-General Alexander Aritana II. I don’t want to make a mess with these people, Ms. Sevilleno. Now, you can go home. Hintayin mo na lang ang tawag ng camp.” Walang namutawing salita mula sa kaniyang bibig nang malaman ang pagkakakilanlan ng nahampas niya. Pader ang binangga niya kaya malabong magkaroon pa siya ng chance na makabalik sa camp. Mangiyak-ngiyak na kinuha niya ang knapsack niya saka mabigat ang mga yapak palabas ng opisina ng heneral. Laglag din ang balikat niya sa naging resulta ng kanilang pag-uusap. Paano ko ipapaliwanag ito sa nanay ko na may naagrabyado ako? Gwen naman, pinairal mo iyang pagiging Gabriela Silang mo. God! Samantala, sumugod naman ang lolo ni Xander sa Lucas Medical Center dahil sa natanggap nitong tawag mula sa Camp Capinpin. Halos nagkaroon pa ng tensiyon nang dumating ito sa ospital kasama ang mga bodyguards nito. At mula sa kwartong kinaroroonan niya ay dinig na dinig niya ang nangangailiting boses nito. “W-Where’s my grandson?!” tanong nito sa dalawang sundalong naghatid sa kaniya at nakikinita na niyang halos lumabas na ang litid nito sa leeg. “Nasa loob loob ho ang apo niyo at kasalukuyang ginagamot,” wika ng isang sundalo. Walang tugon siyang narinig mula sa abuelo saka ito naglakad at binuksan ang pinto kung saan naroon siya. Pagkabukas naman nito ng pinto ay saktong nilalagyan na lang ng bendahe ang kaniyang braso at nagtama ang tingin nila ng kaniyang lolo. “X-Xander!” Agad itong lumapit sa kaniya na may kasamang pag-aalala ngunit batid niyang matindi ang galit nito. “Grandpa, I’m fine.” Inunahan na agad niyang ipaalam ditong ayos lang siya kahit na may mga kirot pa siyang nararamdaman sa braso niya. “Your grandson is right, General Aritana. Hindi naman siya nabalian ng buto at walang damage ang kaniyang braso. Subalit nararamdaman lang niya ang kirot dahilan ng pamamaga ng mga muscles niya,” paliwanag naman ng doktor matapos ito sa ginagawa sa braso niya. “Huwag na kayong mag-alala sa apo niyo, general. I already give him the right medicine and a recommendation to get rest. Maiwan ko muna kayo.” Saglit na katahimikan ang namayani sa kanila matapos lisanin ng doktorat nurse ang kwartong iyon. Kahit siya ay nabigla rin sa nangyaring ito na hindi naman niya inaasahan ngunit sumagi sa isip niya ang sinabing hula sa kaniya ni Ziven—ang hula nito. “Who did this to you?!” nag-alalang tanong ng kaniyang mommy matapos malaman nito ang nangyari sa kaniya. Lumipad pa ito mula Amerika kasama ng kaniyang daddy upang kamustahin ang kalagayan niya. “My god, Xander! It’s the first day of your training and this is what you’ve got? K-Kung sino man ang may gawa nito, malilintikan talaga siya sa akin!” galit din nitong sabi sa kaniya. “Mom, I’m fine. Malayo lang naman ito sa bituka. Look, I can still walk and move my hands,” depensa niya. Alam niya ang kayang gawin ng kaniyang ina oras na malaman nito kung sino ang babaeng humampas sa kaniya. He also explained to them that it was his fault. “Kahit na ikaw pa ang may kasalanan sa una, still, hindi ka niya dapat ginantihan ng ganito. Halos mabalian ka ng buto sa paghampas niya sa iyo at sino itong walang isip na umihi sa talahiban? Walang manners!” Bahagya siyang napangiti. Naalala niya ang sandaling tagpo nila ng dalagang iyon na saktong nagsara na ito ng zipper nang mahampas din niya. “And what’s that smile for, Alexander III? Nagawa mo pa talagang ngumiti sa nangyaring ito?” Nameywang na ang nanay niya at halatang hindi pa humuhupa ang inis. Kanina pa siya nito senesermunan. “Ah, that’s enough, my love.” Noon lang nagsalita ang daddy niya dahil kanina lang ay may kausap ito sa phone. “Leave this to me, okay?” “I won’t, Kier! Tingnan mo naman ang ginawa niya sa anak ko!” Ayaw pa rin magpaawat ng mommy niya. “Na… I will fix it,” kalmadong wika pa rin ng kaniyang ama. Kahit kailan naman ay hindi pa niya ito nakitang nagalit sa kaniya o sa mga kapatid niya sa kahit anong sitwasyon. “I already talked to Major General Pagaran and he give me the name of the girl.” Saka ito bumaling sa kaniya. “She’s Gwen Alexha Sevilleno, a third-year student of Montecillo University. Do you know her?” Umiling siya. “No, Dad. I never heard her name before.” So, that’s her name. Hmm. A small world, Gwen, huh? “So, that’s her? I will call the university to expel her!” Akma na sana itong dudukot ng cell phone sa bulsa ngunit pinigilan ng kaniyang daddy. “Alexis, you can’t even do this. We will set this in a proper way, at hindi iyang init ng ulo mo ang pinapairal mo. Just remember that your son is also responsible for this. As I said, I will fix this.” “Fine! Magsama nga kayong mag-ama!” Napaismid ito saka ito nagmartsang tumungo sa kitchen tanda na nasa daddy pa rin niya ang pagdedesisyon. Bumuntong hininga ang daddy niyang humarap sa kaniya. “Son, I know you can manage to talk to her when you return to school. I don’t want everyone knows about what she did to you for some reason. Mabu-bully lang siya sa school, and you’re running as SSG VP. But she needs to explain to us together with her parents. This is the safest thing I know for now. Alam mo naman ang mommy mo na hindi iyan matatahimik hangga’t hindi niya nakakausap si Gwen at ang mga magulang nito.” “Yes, I know. I’m sorry if I get into this mess, Dad. I know you’re worried about me, and the US isn’t that near for you both to come here. I already informed Xian of what happened, and he will be here soon to visit me.” Hinawakan ng daddy niya ang kaniyang balikat. “Okay. We will be here for the meantime. At tama na darating ang kinakapatid mo at may ibibigay ako sa Mama Xean mo.” “Thanks, Dad.” “All right.” Saka lang din nito tinapik ang kaniyang balikat. Tatlong-araw na rin ang nakalipas nang mangyari ang insidente nila ni Gwen at syempre ay halos uminog ang mundo nilang lahat. Tatlong-araw na rin siyang hindi pumapasok sa school dahil may arm rest pa ang kaniyang kaliwang braso. Ibinalita na rin niya sa kinakapatid niya ang nangyari at pati na rin sa dalawang kambal na panay na ang pangungulit nang hindi man lang siya nakita sa university. Wala siyang balak na ipaalam sa dalawa ang nangyari sa kaniya dahil alam niyang puro kantiyaw lang ang maririnig niya mula kay Ziven. “Xander, hijo, maabala lang kita sandali.” Nilingon niya ang kanilang Nana Caring na may edad na rin at simula pagkabata nila ng mga kapatid niya ay ito na ang nag-alaga sa kanila. Nasa pool side siya habang nakaupo at kaharap ang kaniyang laptop. Nagse-self-study muna siya pansamantala habang hindi pa magaling ang maga ng kaniyang braso. “Yes, Nana Caring?” “Nasa sala ang mga kaibigan mo. Papuntahin ko ba sila rito?” His forehead wrinkled?” Mga kaibigan?” Nagtaka siya dahil ang dadalaw lang sa kaniya ay si Xian. “Bro!” Sabay silang napalingon mula sa pinto na karugtong sa pool side nang tinawag siya ng pamilyar na boses at si Ziven ang nagmamay-ari nito. Kasunod naman nito ay sina Zoren at Xian na may dala pa na isang basket na puno ng prutas. “Ay, ayan na pala sila. Maiwan ko na kayo at ikukuha ko kayo ng maiinom.” “Thanks, Nana Caring.” Umalis din agad si Nana Caring at itong si Ziven naman ang tila siraulong bigla siyang niyakap. “Bro! What happened to you?! I miss you, bro!!” “Hey! What the⸻ouch!” Bahagya nitong naipit ang parte ng braso niyang maga pa. Agad naman na kumalas si Ziven sa pagkakayakap nito sa kaniya. “S-Sorry, bro! I didn’t mean it. Kung bakit kasi hindi ka man lang nakinig sa hula ko ayan tuloy at nadisgrasya ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD