Nang makita ni Ann si Zadkiel ay kaagad na nawala ang takot sa kaniyang puso. Ang kaninang nagwawala niyang puso na halos sasabog na ay nagsimulang kumalma. Pakiramdam ni Ann ay okay na ang lahat dahil nandito na ang lalaki. Ang kaniyang nanginginig na katawan ay bumalik na rin sa dati. Ann doesn't know why but seeing Zadkiel right now and feeling his presence is making her feel safe. Hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa kayang-kaya ni Zadkiel ang nakainom na lalaki na Nestor pala ang pangalan o may ibang dahilan. Right now, she felt grateful and happy that he's here. Kung wala siguro ang lalaki at hindi ito dumating sa tamang oras ay baka tinapon na ng matandang lasing sa kanila ang hawak na bote. Kung nangyari iyon ay baka grabe ang pinsala na kanilang natamo at baka may iba pang gawi

