Kahit na anong pilit ni Ann na kumawala sa taong mahigpit na nakahawak sa kaniya, hindi pa rin siya nagtatagumpay. Sobrang lakas na nang t***k ng kaniyang puso ay pakiramdam ng babae ay sasabog na iyon sa loob ng kaniyang katawan dahil sa kaba. Hindi niya ine-expect na may magnanakaw na nakapasok at sa gitna pa talaga ng bagyo. Nasa likod ni Ann ang tao at ramdam na ramdam niya na nasa ito. Nakatakip ang malaki at medyo magaspang na kamay ng tao sa kaniyang bibig para hindi siya makasigaw. Kahit na sumigaw siya ay wala namang makakarinig sa kaniya dahil sa sobrang lakas ng ulan, kulog at pagkidlat. Isa pa ay nasa kusina siya ngayon. Malayo ang kusina sa maid quarters kaya wala talagang pag-asa na May makarinig pa sa kaniya kung sakali man na hindi bumabagyo ngayon. Kahit na hindi na si

