AMOR
KABABALIK ko lang from States at excited akong makita si Eva. Sa sampung taon, tiniis ko ang hindi makipagcommunicate sa mahal kong si Eva. Pero hindi sya nawala sa puso't isipan ko. Sa sampung taon, sya lang ang naging laman ng isipan ko. Kahit na 'nagpapagaling' pa ako nun sa states, sa bawat segundo, minuto at oras, sya lang ang nag-ooccupy sa buong pagkatao ko.
Bakit hindi ako nakipagcommunicate? Dahil may sumpaan kami, 'di ba? I hold to her promise na kahit ilang taon, hihintayin nya ako. Para sa akin, promise is a promise. Lalo pa't nanggaling yun sa taong mahal ko.
I didn't stop loving Ev.
Kahit pa nga maraming nagpaparamdam sa akin sa States eh hindi ko pinansin dahil si Eva lang ang nag-iisang mahal ko. Ang magandang serenang mahal na mahal ko. Kaya ngayon na 'magaling' na ako, heto ako sa tagpuan namin. Excited na ako sa magiging reaction nito pag nakita nya ako.
Susugurin ba nya ako ng yakap? O kaya'y halik? Mas gusto ko yung pangalawa. Hehe. Ahh, maghihintay ako. Alam kong na darating sya.
Naghintay ako ng tanghali, hanggang hapon, kinabukasan tapos kinabukasan. Yun ang naging routine ko for the week pero walang Eva na dumating. Ano ng nangyari sa sumpaan namin?
'Eva, nasaan ka na ba?' Naiiyak kong tanong sa hangin.
Oh, Eva. Hindi mo ako pwedeng kalimutan. Please, huwag mo akong kalimutan. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa batuhan. Pulang likido ang umaagas sa ocean blue kong mga mata.
Eva!
+++
Nagkulong ako sa kwarto ng tatlong araw. Hindi ako lumabas, hindi ako kumakain. Gusto ko ng mamatay. Sa isipin pa lang na inabanduna na ako ni Eva, ayaw ko ng mabuhay. Wala ng rason para mabuhay ako sa mundong ito.
"Amor, papasukin mo ako kung ayaw mong sapilitan kong sirain 'tong pinto mo. Alam mong kayang-kaya kong gawin yun." banta ni Lloyd. Mababakas ang pag-aalala at determinasyon sa boses nito.
Bumuntong-hininga ako. Alam ko naman kaya nyang sirain ang pintuan ko. Sa lakas ba naman nito, 'di yun impossible. Sa tatlong araw kong pagkukulong sa kwarto, hindi ako ginulo ng kuya ko. Siguro ngayon, he had enough of my dilemmas.
"Amor, huwag mo akong subukan." matiim na saad nito.
Ugh! Alam ko namang 'di ako mananalo sa kanya. Tumayo ako at binuksan ang pinto tsaka bumalik agad sa loob ng kwarto.
"Gusto mo bang magpakamatay?" sabi nitong nakapasok na sa loob.
"Wala ng dahilan para mabuhay pa ako. Inabanduna na ako ni Ev, kuya. Hindi ko rin sure kung matatanggap nya ako." naiiyak kong sabi na nakadungaw sa veranda ng kwarto ko. "Mas mabuti na ang ganito, kuya. Tutal marami rin namang gustong mamatay na ako." naawa ako sa sarili ko. Totoo naman talaga maraming gustong pumatay sa akin.
Kasi 'di naman talaga ako ordinaryong tao. Ako'y isang vampire hybrid. Half human, half vampire. Ang nanay ko ay tao at Tatay ko ang bampira. Pinsan ko rin si kuya Lloyd na anak ni Uncle Jared kung saan ako nakatira simula ng i-execute at patayin ang parents ko ng Higher Vamps.
Vamps din sina Uncle Jared at Kuya Lloyd. Pinaghahanap ako ng mga Higher Vamps o mas kilala sa tawag na Supreme Arch dahil 'di daw dapat ako mabuhay sa mundo. Hindi daw acceptable ang hybrids sa world of vamps.
"Kita mo hinang-hina ka na. Come on, cheer up. Kaya ka nga nandito to start a new life. Worried na rin masyado si Dad. Hindi pa sya nagkachance na makipag-usap sa'yo dahil busy pa sya sa Hospital." Doktor nga pala si Uncle Jared.
"As of now, enjoy mo muna free life mo dito dahil malabo ka naman nilang matunton. So, about naman sa love of your life..." sabi nitong napaisip na napahawak sa baba. "Sino nga ba yun? Yung serena? Ano nga bang pangalan nya ulit?" sabi nitong nakaupo na sa tabi ko.
Napatingin ako sa blue eyes nito. May mga resemblance din kami ng kaunti. Magkamag-anak nga kami.
"Eva." sabi ko. Ahh, biglang kumirot ang puso ko sa pagbanggit lang sa pangalan nya.
"Ahh, familiar yung pangalan." sabi nitong salubong ang kilay. "Alam mo ba full name nya? "
"Evangeline Damian." sabi kong napabuga ng hangin. Namimiss ko na talaga sya.
"What?!" shock na sabi nito na napatayo. Ang OA, ha. Lumalabas na ang tunay na kulay ng ate este kuya ko. Haha! Nagsalubong naman ang kilay ko sa reaksyon nito.
"Sure ka ba, ineng?" eksaheradong tanong nito na nilagay pa ang isang kamay sa dibdib na parang mahaheart attack. Ayun na, bumigay na.
"Uh-huh. Bakit ba?" still, salubong kilay mode. "Hinaan mo boses mo teng, mamaya marinig ka ng pudra mo, lagot ka." sabi kong nakangiti na.
Closet gay kasi ito. Natatakot si Lloyd na umaming bakla ito kay Uncle Jared dahil hindi masyadong open-minded ito.
Eh, how about sya? Nung una medyo hindi like ng uncle nya yung lesbianism nya pero nung katagalan, natanggap na rin sya nito. Inencourage ko nga si Lloyd na sabihin sa ama nya yung totoo pero takot pa ito. In time na daw, sasabihin nya dito. Kibit-balikat na lang ako para 'di na kami mag-argumento.
"As in Evangeline Damian?" malakas na sabi nito. Natutop ko ang kanyang bibig. Lakas kasi ng boses eh. Para tuloy kaming nagsisigawan sa kwarto. I nodded at natawa. Baklang 'to!
"Kilala mo ba sya?" How come? Nacurious na nga ako masyado pero excited ako sa info nito if ever match nga yung Eva nya at si Eva ko.
"Kilala? Omg, Amor. Pareho kaming nag-aaral sa Marion High. Senior na rin sya ngayon. And mind you, napakaplayer nya towards girls. Lesbian masyado, hayok sa babae. Yuck!"
Player? No! Di sya yun. Ako lang mahal nun.
Nakatitig lang ako habang maarteng-maarte itong nagsasalita. Kung iba ang makakakita at makakarinig dito, talagang manghihinayang dahil naging bakla ito. Ang gwapo kaya ng kumag na 'to.
"Di sya yun. Tsaka serena sya, remember? " justify ko sa Eva ko.
"Ay, oo nga pala ano?" parang natauhan na napaisip ito. "Describe mo nga." demand nito. Nakapamewang pa.
"Shunga ka ba?" Kita mo nahawa na ako sa kabaklaan nito. "Ten years nga kaming 'di nagkita tapos ipapadescribe mo pa."
"Nge. Paano mo naman sya makikilala kung 'di mo na pala natatandaan yung mukha nya? " may point din ito.
Napaisip akong bigla. "Makikilala sya ng puso ko." pabulong kong sabi, sakto lang na narinig nito.
"Ayiiee. Lumalabas na naman pagkaromantiko mo eh." kinikilig na sabi nito.
Hayy, baklang 'to. Buti na lang ang cute nitong tignan.
Malungkot na napangiti ako.
"Sige na, tayo ka na dyan para makaghunt na tayo dahil hinang hina ka na eh. Hayaan mo, tutulungan kitang hanapin si Eva." sinsero na sabi nito.
Inilagay nito ang mga kamay sa balikat ko habang mariin na nakatitig sa akin. Tapos ngumiti ito.
Masaya ako na todo support sya akin. Ang swerte ko talaga sa pinsan kong 'to.
"Sige." sabi ko at tumayo para magbihis.
+++
Pagkatapos namin maghunt, nagkulong na naman ako sa kwarto. Inaalala lahat ng mga moments namin ni Eva. Umiyak ng umiyak na naman ako. Namimiss ko na talaga sya.
Naisipan ko ngang sumisid sa dagat para hanapin ito pero syempre kahit marunong akong lumangoy alam kong 'di ako tatagal sa ilalim ng tubig. Eh patay na akong makikita ni Ev kung ganun. Hinanap ko pa sya kung mamamatay na lang din naman ako.
"Eva, nasaan ka na mahal ko?" sabi ko sa pagitan ng iyak.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi ko na nilingon at patuloy pa rin akong nakahiga sa kama ko. Kama? Oo, natutulog rin ako pero di masyadong matagal. Tao rin naman ako, remember?
"Amor, bangon ka na dyan. May ipapakita ako sa'yo." sabi ni Lloyd na umupo sa gilid ng kama ko.
"Kuya, please leave me alone." sabi ko while snifling. I never bothered to look towards him.
Malakas itong napabuntong hininga. "Nagpromise 'di ba akong tutulungan kitang hanapin si Eva? Ito oh, baka may maitulong sa drama mo." he retorted. Sabay tapon ng kung ano sa tabi ko.
Nakuha nya ang aking atensyon at agad akong napalingon. Nakita ko ang brown envelope na nasa tabi ko.
"Eww, you look awful. Pulang-pula na ang bedsheets mo dahil sa kaiiyak mo. Tsaka Amor, eww ang pangit mo. Swear." 'di ko ito pinansin. Pinahid ko ang mga luha ko ng dalawa kong kamay tsaka binuksan ang envelope.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Eva!
Napalitan ng saya ang makulimlim na mood ko kanina.
Si Eva nga yung nasa larawan. Nakasuot ito ng fitting short-shorts at jersey na walang manggas na fit rin sa kanya. May tatak na # 17 ang Jersey nito. Awww, yun yung date na nagkita kami. February 17.
Mas lalo itong gumanda tsaka sumexy. Tumangkad rin ata ito. Pero bakit may paa na ito? Paano nangyari yun? Ang dami kong tanong sa isipan ko pero sigurado akong gustong-gusto ko na syang makita ngayon na. Iniscan ko ang envelope at puro pictures lang ang naroon, walang info about sa whereabouts nya.
"Address, kuya?" tanong ko sa kanya. Tumaas lang ang isang kilay nito.
"Sya ba yun?" tanong nito. Tumango lang ako with excitement.
"Naku! Si Evangeline Damian, ang team captain ng Volleyball girls ng Marion High. The certified lesbian heart player. Heartbreaker at walang pinapatos na babae. Hindi talaga sya sincere sa paghihintay sa'yo, Amor." nakacrossed arm na sabi nito.
Parang nabingi ako sa narinig ko. Ang Eva ko? Player? Heartbreaker? Nakalimutan na nya ako? No! I shook my head fiercely.
"No!" Ang malakas na katagang lumabas sa bibig ko. Napatayo ako sa frustration.
Naglakad-lakad ako sa loob ng kwarto habang nasa chin ko ang isang daliri. Mannerism ko yun pagnababother.
"Maybe naging ganyan lang sya dahil akala nya hindi na ako babalik." Yun ang unang pumasok sa isip ko. Nagkibit-balikat lang si Lloyd.
"Basta I'm warning you, hindi na sya yung Eva na nakilala mo." nonchalant na sabi nito.
Hindi ako sumagot at tumungo lang sa closet ko. "Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta? " tanong nito ng nakita nyang magbibihis ako.
"I need to see her." determinado kung tugon at akmang lalabas na ngunit mabilis nya akong napigilan.
"Wait. Relax." sabi nitong nakahawak sa wrist ko. Nagpumiglas ako pero 'di pa rin nya ako binitawan. "Huwag ngayon, Amor. Why not stalk her first?" nagsalubong ang kilay ko.
"Bakit ko naman i-istalk si Ev? Eh pwede naman akong magpakita agad."
"I mean, sabi mo nga 'di nya pa alam na vampire ka. Why not take it slow? Take time muna at wag mo syang bibiglain."
"I wasted so much time, Kuya!" sigaw ko while yanking my arm. Nakalabas ako sa pagkakahawak nito. "Ten years, kuya! Ten years na dahil sa bwisit na bampirang buhay na 'to, kailangan naming maghiwalay. Kuya, gusto ko na syang makita!" nagbreakdown na ako. Umiyak akong napaupo sa sahig.
Lumapit ito at niyakap ako. "Shh. Okay sige. Ganito na lang. May friendly match ang Marion High at Roman High sa makalawa sa Marion Gym. Pupuntahan natin sya. Sasamahan kita. Okay ba yun?" alo nito sa akin. Okay na rin yun. Tumango na lang ako.
+++
Sa Marion Gym...
Gusto ko ng sugurin ng yakap at halik si Eva ng agad ko syang makita na nakaupo sa bench ng Lady Crushers. Ahh, mas maganda pa ito sa personal kaysa sa pictures. Napakasexy na rin nito.
Bagay na bagay ang White Jersey at black short shorts sa maladyosa nitong katawan. Ang kinis ng kutis nitong morena na nabagay sa brown nitong buhok na nakaponytail. Naglalaway pa nga ata ako habang nakatingin dito. Kinakausap nya ang team mates nya instructing and encouraging them to win this game. Naririnig ko lahat ng usapan nila. As a vampire, malakas ang hearing namin compare sa tao.
Nakatingin lang ako mula sa malayo. Hindi ako sumama kay Lloyd para 'di naman maobvious ang presence ko.
Balita ko kasi, sikat din si Lloyd sa school. Ayaw kong makaattract ng tao pagnakita kaming magkasama. Pero marami pa ring tingin ng tingin at ang ibang mga lalake naman ay kinukulit ako. Binigyan ko na lang sila ng death glare para lumayo sila sa akin. Effective naman. Takot lang nila sa akin. Kaya ko kaya silang patayin sa isang segundo lang.
Balika kay Eva, biglang may lumapit dito at parang ahas na pumulupot. Nakasuot ito ng cheerleading uniform na color red at white. Ang sweet ng dalawa. Palagay ko umusok bigla ang dalawang tenga ko sa nakita.
Eva! Nagpupuyos na sigaw ko sa sarili. Unknowingly clinching my fist. So, totoo pala lahat ng sinabi ni Lloyd.
I stayed watching the game kahit na nagpupuyos ang damdamin ko sa nasaksihan ko. Nakita ko kung paano magflirt si Eva sa mga co-players nya at sa kabilang team. At may cheering squad pa ang bruha!
Cheerleader nya yung parang witch na nakapulupot sa kanya kanina. Kamukha nya yung witch sa Wizard of Oz. Hindi si Mila Kunis pero yung witch na version ni Mila Kunis. Naningkit ang mata ko. Sa isang iglap lang kaya ko itong patayin pero hindi pa ako ganun kapathetic.
Nagpasya na lang akong tapusin ang panonood ng game kasi maganda ang larong pinapakita ng dalawang team. Kung tutuusin friendly match lang ang laro nila ngayon pero ang higpit ng laban. Walang gustong magpatalo. Napahanga rin ako sa kakayahan ng mga pinoy players na 'to kasi pwede na rin silang isabak sa international games.
Mahilig din naman kasi ako sa sports. Past time naming mag-anak ang maglaro ng baseball. Naglalaro kami sa bakuran ng bahay nila Lloyd kasama ng mga friends nito na kauri rin namin. Oo, marami na rin kami dito. Nasaksihan ko kung paano maglaro ang volleyball team sa ibang bansa kaya masasabi kong may pag-asa ang team pinoy kung sasabak sa international volleyball.
Pero 'di ko mapigilang mas humanga sa pinapakitang galing ni Eva. Napapacheer nga rin ako kung nakakascore ito. Kagaya ngayon last set na. 24-23 ang score. Service ng Roman High na pinalo agad ni Eva pero nakuha ng libero at bumalik tsaka sinet ng Lady Crushers. Parang 'di yata ako huminga ng oras na yun. Pinalo ni Ev yung bola at pumasok sa kabilang court. Panalo sila! Tumayo ako sa upuan ko at pumalakpak. Galing!
Nakatingin lang pa din ako sa malayo kay Ev ng may nag-interview dito at nilapitan ng apat na lalake. Binuhat pa nung isa si Ev. Selos na selos na naman ako. Paano ba namang hindi? Malalake man o babae nagpiflirt ito. Grr! Tapos naggroup hug pa sila.
Humanda ka sa akin, Ev! Nakatayo ako sa gilid ng exit sa madilim na parte. Takot na tumitingin ang mga taong dumaraan sa tabi ko dahil sa galit na aura ko.
Mas lalo akong nagpuyos sa galit ng lumapit ang witch at hinalikan si Eva sa labi.
Evaaaaaaaa! Sigaw ko sa isip ko. Para namang narinig nya ako at agad tumingin sa direksyon ko. Tinitigan ko sya ng galit na galit kong mga mata. Para namang natakot ito at itinulak ang witch na napaupo sa sahig. Huh! Serves you right, witch!
Nang mawala ang atensyon nya sa akin ay agad akong umalis with my vampire speed. Tuturuan kita ng leksyon, Ev! Humanda ka sa akin!
+++
Nalaman kong may victory party sa bahay ng team mate ni Eva. Jane ata pangalan nun, according to Lloyd. Malapit lang din ito sa bahay ni Uncle Jared.
Perfect timing para sa leksyong ibibigay ko kay Eva. Humanda kang Eva ka sa akin.
Dumalo ako sa party, as usual, stalking Eva. Muntik ko ng makalimutan ang misyon ko ng makita ko si Ev sa suot nito. Parang gusto ko na syang reypen sa oras na yun. Damn! Ang sexy-sexy nya at ang ganda-ganda pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong turuan ng leksyon ang babaeng 'to sa paglalaro ng puso ko. Nagpromise ito sa akin na hihintayin ako at ako lang ang mamahalin tapos ngayon sa pag-uwi ko, ito mararatnan ko? Humanda ka sa akin, Ev!
Actually, naging good girl naman ito sa buong gabi. Masaya na sana ako at akmang lalapit at patatawarin na lang ang mahal kong si Ev ng biglang hinablot ng witch si Eva at nagmake out session sa pader. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Malapit na malapit lang ako sa kanila.
Super dikit ang mga katawan at parang magsesex na ang dalawa sa harap ng maraming tao. Sabagay wala namang pakialam ang ibang tao sa paligid dahil may mga business din sila. Pero nandito ako Ev!
Pulang-pula ako sa galit. Ramdam na ramdam ko. Kahit dim lang ang light, kitang-kita kong nakapikit pa sa enjoyment si Ev ng halikan sya sa leeg ng witch. Nang mapansin nitong lalagyan sya ng hickey ng babae, napamulat ito at nasalubong ang pinag-aralan kong poker face. Para naman itong natauhan na nanlaki ang mga mata. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at ng may dumaan sa tapat namin, agad akong umalis.
Umiiyak akong tumakbo sa tagpuan namin ni Ev. Malapit lang kasi ito sa bahay na yun. Umiyak ako silently.
Gusto kong bugbugin si Ev. Gusto ko syang saktan sa oras na 'to. How dare her para saktan ako ng ganito? Pinaasa nya lang ako for all these years! Di ako nagmahal ng iba dahil sa kanya. Sinayang ko ang buong buhay ko sa walang kwentang promise nito. Gusto kong magsisigaw pero hindi pwede dahil ayaw kong makaattract ng tao. Kaya nakasalampak ako sa buhangin while crying like a baby.
Tumambay pa ako ng kaunti sa batuhan pagkatapos kong umiyak. Napagpasyahan kong i-let go na si Ev at magmove-on na lang ako. Tutal naman masaya na ito sa buhay nya ngayon. She has everything.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng may marinig akong kaluskos papunta sa direksyon ko. Agad akong nagtago sa malaking bato.
Nang sumilip ako'y nakita ko si Ev, nakaupo sa buhangin at iyak ng iyak. Bigla akong naconfuse. Bakit ito, umiiyak? May nanakit ba dito? Papatayin ko kung sino mang nanakit sa Eva ko! Galit na nasuntok ko ng mahina ang batong nasa harapan ko.
"Amor. Amor. Amor." narinig kong sabi nya. Awww, ang sarap sa tenga ng boses ng mahal ko kahit galing pa sa kaiiyak.
"Bakit ikaw pa rin ang nasa puso ko?" Sa oras na yun, parang gusto kong magsisisigaw.
Yehey! Mahal nya pa rin ako! May pag-asa pa. Parang baliw na sabi ko sa isip ko.
Agad akong lumapit dito with my Vampire Speed at niyakap ito. Nabigla ito at akmang itutulak ako pero mas malakas ako dito. Before pa sya nakapagsalita, sinabi kong "Matulog ka na muna at magpahinga." At nakatulog nga ito. Ginamitan ko ito ng vamp suggestion power ko.
Namiss ko ang panahong ganito.
Niyakap ko sya ng mahigpit at inihilig ang ulo nito sa aking balikat. Parang gusto kong umiyak dahil sa naamoy at nayayakap ko na sya ngayon. Kahit amoy beer ito, napakaintoxicating ng familiar scent nyang sweet strawberries. Hindi ko napigilang mapangiti ng isuksok nya ng mabuti ang katawan sa yakap ko at ang mukha sa leeg ko.
"Amor, wag mo akong iwan. Please." nakapikit na sabi nito.
Hinagod-hagod ko naman ang buhok nito. Nagbabanta ang mga luha ko sa pag-agos. Nakikiliti ako sa hangin na lumabas sa bibig nito ng magsalita ito sa leeg ko. Napaupo tuloy ako ng maayos at hindi nakapagsalita ng matagal. Palagay ko ay may mga butterflies na lumipad sa loob ng tyan ko. Ahh! Sya lang ang may kayang gumawa nito sa akin.
"Hinding-hindi na, mahal ko. Hinding-hindi na." sabi ko ng mahanap ko ang dila ko. Sumiksik lang ito ng lalo sa akin at nakatulog na ito ng tuluyan.
+++
"Eva!" napamulat ako. Nakatulog pala ako katabi ng aking anghel sa buhanginan. Nakaunan ito sa aking braso at mahigpit na nakayakap sa akin. Awww, I could live like this forever. Nakangiti kong sabi sa sarili ko.
"Eva!" patuloy na tawag ng isang lalake.
Hinahanap na nila si Eva. Hindi nya muna ako pwedeng makita.
At sa isipin na yun, maingat akong umalis sa sa tabi ni Eva at bumulong. "Bye for now, my love." at humalik sa pisngi nito.
Mabilis akong nagtago sa malaking batuhan at nakita ang isang pamilyar na lalake. Isa ito sa apat na naggroup hug kay Ev. Lumapit ang lalake kay Ev at binuhat ito pabalik sa bahay. Sinundan ko lang sila hanggang sa maiuwi nila si Ev at nang masiguro kong safe na ito, tsaka ako umuwi.
+++
Ang saya ko'y hindi natago sa pinsan kong si Lloyd kinabukasan. Nasa dining ako at kumakain ng mapadaan sya doon.
"Uie. Someone's happy." umupo ito sa upuang nasa harapan ko. "Nakausap mo na ba sya?"
"Hindi pa." sabi ko pagkatapos ngumuya. "Pero plano ako." Hindi ko napigilang ngumisi.
"Huh? Parang nakakatakot ah." sabi nitong parang natatakot rin.
"Haha! Tumigil ka nga. Tuturuan ko lang naman ng leksyon si Eva." with mischievous grin na litanya ko.
"Awp! Masaya yan! Paano?" parang batang palakpak nito.
"Mag-aaral ako sa Marion High." tsaka kami nag high-five. Great cousin eh! Hindi ko napigilang tumawa.
+++
Pagkatapos ng ilang oras na pagpaprocess ng papers ko, ito na nga at official student na ako ng Marion High, senior student to be exact.
Kinuha ko ang lahat ng subject na kinuha ni Eva pero minalas ako sa second period. Wag ng tanungin kung saan ko nakuha ang schedules nya, I have my own sources.
Parang gusto kong maglulundag ng makuha ko ang aking class schedule, na alam ko na kung saan dahil nga nagresearch na ako. Ginamit ko na rin ang technology para maisakatuparan ang pagbibigay ng leksyon kay Eva.
Ano nga ba ang leksyon na yun?
Dahil sa player daw itong babaeng ito pero alam ko namang ako lang ang mahal nito, eh pahihirapan ko sya. Di ko papansinin, iignorahin. Magpepretend na 'di ko sya kilala hanggang sa mafeel nya yung nafeel ko nung nakikita ko syang nagpiflirt sa iba. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang pagmamahal nya. Pero sa huli, syempre sasabihin ko sa kanya ang totoo at we will live happily ever after. Ayiiee, kinikilig ako.
Inayos ko muna ang aking sarili bago pa ako sabihang baliw ng mga estudyanteng kanina pa tingin ng tingin sa akin. Nakangiti kasi ako ng mag-isa sa hallway.
Nang nilapitan na ako ni Lloyd, mas lumakas ang bulungan ng mga ito. May narinig akong nagsabi ng, "Ang ganda naman nya. Artista ba sya?" palihim akong napangiti. Di pwedeng masira ang cold aura ko sa mga ito. Matagal ko rin 'tong prinaktis ha.
Magkaklase kami ni Lloyd sa first period at nanlalamig na kinakabahan ako ng sobra. Ahh, ano kaya magiging reaksyon ni Eva? Pero sa dismaya ko ay 'di sya pumasok. Nakatabi ko naman ang isang lalake na nakatingin lang sa akin hanggang matapos ang klase. Bored na bored na ako. May second period pa. Haaa!
Same routine ginawa ko sa second period. Nagpakilala at naupo ako kung saan ang itinuro ng teacher. Magkaklase pa rin kami ni Lloyd, sa third period lang ang hindi. Ang mga kaklase ko naman ay bulungan lang ng bulungan. Ako pa rin ang pinag-uusapan. Haayy, parang ngayon lang sila nakakita ng maganda. Tinago ko ang ngiting nagbabadyang lumabas sa labi ko.
Yes! Third period na. Sigurado akong nandito ang Eva na yun dahil naamoy ko ang strawberry scent nito.
Nakita ko na ang teacher na nakaupo na sa bandang desk nito. Halatang kararating lang nito dahil dala-dala pa nito ang mga libro. Lumapit ako ng hindi nya namamalayan at tinapik ko ito sa balikat. Napatingin ito sa akin ng sandali at bago pa ito nakapagsalita binigay ko ang letter from the principal.
Humarap ako sa klase at hinanap ang isang taong dahilan ng pagpasok ko sa paaralan na 'to.
Ayun sya at natutulog samantalang pinaglalaruan ng familiar na lalaking nakatulala sa akin kanina. Pagod na pagod ata si Ev. Naka-sunglasses pa ito. Pero kahit parang puyat na puyat ito, ang ganda pa rin ng bruha.
"Okay, class. May bago kayong kaklase." narinig kong sabi ng teacher pero ang mata ko'y na kay Eva lang.
Hindi pinansin ni Eva yung teacher. Natulog pa rin ito. Pinipilit syang patayuin ng isang lalaking may nerd glass. Ganito ba sya sa loob ng klase? Napalingo ako sa isipin na yun.
"Miss Damian, tanggalin mo yang sunglasses mo. Nandito ka sa loob ng room." medyo galit na sabi ng teacher. Napansin na pala nya si Ev.
"Ma'am, may sore eyes si Ev." sabi ng lalakeng katabi nito. Nakatingin ito sa akin at halatang nagpapacute. Sya yung lalaking natulala sa akin sa first period.
"Oh, okay. Sana hindi ka na lang pumasok, Ev." Alam kong 'di yun totoo.
Kahit naman masyadong maitim yung glasses ni Ev nakikita ko mga mata nito. Tsaka 'di pa rin ito nagmumulat. Tulog pa rin. Nakangiti ito dahil binili ng teacher yung alibi nya. Naughty girl.
"O sya' sige. Pakilala mo sarili mo, Miss Manuel." baling ng teacher sa akin.
Nakatitig pa rin ako kay Ev, pulling my poker face. Alam kong magmumulat ito ng mata anytime na magsasalita na ako.
"Hi, everyone. I'm your new classmate, I'm Iris Amor Manuel. You can call me Amor for short." and bam! Nagmulat nga ito.
Tinitigan ko ito with expressionless face at nakita kong nanlaki ang mga mata na nakabuka ang bibig. Halatang gulat na gulat ito.
Una akong nagbitaw sa titigan namin at umupo sa bakanteng upuan sa harapan nya.
"Amor." narinig kong sambit nya. Tsaka ako ngumiti. Na hindi nya makikita dahil nakatalikod ako sa kanya.
Ain't it fun?