Kabanata VI: Ang Pakikipagkaibigan

4151 Words
EVA WOOT! Walang paglagyan ang saya ko.  Masaya akong napapito-pito habang nagpapractice kami. Napansin yun ng mga team mates ko. "Captain, masaya tayo, ahh." puna ni Kim. Nasa court na kami at nagwawarm up.  Nagtoothy grin lang ako. Naging smooth naman ang practice as usual. Hindi naman ako masyadong harsh na captain pero nakatulong rin ang mood ko para mas mapagaan ang pressure na ginagawa sa amin ni Coach Carmen.  "All right girls, good job!" sabi ni coach habang pinapalakpak ang mga kamay. "I'm sure we will win this game." masaya nitong sabi. Relief naman ang makikita sa mukha ng mga Lady Crushers.  "And it helps a lot captain kung magiging ganyan parati ang mood mo." tinudyo nila akong lahat. Napakamot na lang ako sa batok at nakangiting tumango. Exit to shower na ang lahat ng makita ko si Jane. Parang iniiwasan nya ata ako ah. "Jane,” tawag ko dito. Lumingon ito. "Pwede ba tayong mag-usap?" tumango ito pero hindi makatingin sa akin. Anyare? Umupo ako sa bench at gayon din ito. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi ko na kasi mapigilang ‘di sabihin to sa’yo. I like you, Jane. More than just a friend." seryoso kong sabi na nakaeye to eye pa sa kanya. "Ha? So-sorry captain pero may Joma na ako." Sabi nya tsaka natutop ang bibig ng marealize nya kung ano ang kanyang nasabi. "Joke lang yun, Jane. Hinuhuli lang kita. Hahaha! Sabi ko na nga ba kayo na ni Joma eh." successful ang tactics ko. Naghigh-five ako sa sarili ko mentally. Galing ko! Haha! Nagblush ito at napayuko. "Kailan ba nagsimula? Nung party ba?" tumango lang ito pero nakayuko pa rin. "Huwag kang mag-aalala Jane wala naman akong problema sa inyo ni Jom. Bagay nga kayo eh. I mean tao kayo pero match kayo. Hindi match na posporo. Ano ba, Eva?" pinagalitan ko na sarili ko. Kahit ano na kasi sinasabi ko. Natawa naman si Jane. Masaya na rin ako dahil kumportable na sya. "Salamat Captain pero it’s complicated pa kasi relasyon namin ni Jom eh." malungkot na sabi nito. "Eh bakit?" tokwa. Umiral na naman siguro torpedo attitude ni Joma. Babatukan ko talaga yung kumag na yun pagnagkita kami. "Hindi pa nya ako tinatanong kung pwede ba nya akong maging girlfriend. Wala namang nangyari sa amin. We kissed, yes. Pero alam mo naman captain na may huge crush talaga ako kay Jom eversince freshmen pa tayo kaya hopeful pa rin ako." parang maiiyak na sabi nito. "Hayaan mo, Jane. Gugulpihin ko yung lalaking yun para mapasagot mo sya este marealize nya yung ginagawa nya sa’yo." hinagod ko ang likod nito. "Captain naman. Huwag mong gugulpihin. Masisira yung gwapong mukha nung poging yun." Nakangiti ng sabi nito. "Well, let’s see. Joke lang. Anyway, akong bahala sa’yo. Alam ko namang atat na atat ka ng makuha si Joma eh." Tudyo ko sa kanya.  "Captain naman." sabi nito, playfully smacking my arm.  "Ouch." sabi kong napahawak sa braso ko. Pero hindi naman talaga masakit. Nagtawanan na lang kami at nagkwentuhan about sa nangyari sa kanila ni Joma.  Pagkatapos magshower, we parted ways at umuwi na. Pati si mama nakanotice ng kasiyahan ko. Pinilit nya akong ikwento sa kanya pero sabi ko  ay huwag muna ngayon. Nirespeto naman ni mama yung desisyon ko at pagkatapos nya akong iremind sa dinner bukas, off to the hospital na ito. Mag-isa lang ako sa bahay at wala munang party na aattendan kasi may laro kami sa Friday. Ewan ko lang sa mga ungas kung lumabas ba ang mga ito. Hindi naman nagtext sa akin.  Nasa kwarto na ako at suot ang aking oversized t-shirt with lower undies lang. Akma na akong matutulog dahil napagod ako sa praktis nang tumunog ang phone ko. Speaking of the ungas, tumatawag ang isa. "Yo Ton. 'zzuuubp?" sagot ko na humihikab. "Buksan mo TV mo dali. Channel 04." Hindi na ako sumagot at kinuha na lang ang remote. I turn on the TV. Sasagot pa sana ako ng nagsalita na ang reporter. "Bandang alas sais ng gabi, may isang lalaking nakitang patay dito sa eskinita ng Marion Town. Nakilala po ang lalake na si Juan Molabe, isang kinikilalang big time drug dealer dito sa Marion. Hindi pa po matukoy ng mga pulisya ang sanhi ng pagkamatay ni Molabe pero maari daw na napaaway ito sa isang mabangis na hayop o shall we say bampira dahil sa dalawang malalim na sugat sa bandang leeg nito. Kaya po pinaalalahanan ang lahat ng taga Marion na mag-ingat po. Ito po si JR Lumbao, nag-uulat." tsaka in-off ko na ang TV ng mag-advertisement. "Ev? Nandyan ka pa ba? Nakita mo ba?" may kausap nga pala ako sa phone. "Ah. Oo." parang wala lang naman sa kanya ang napanood. Medyo nagulat lang talaga sya. So, marami na palang weird creatures na nakatira sa Marion. "Nakakatakot naman yun. Kaya ikaw wag kang magpapagabi ha. Mag-iingat ka palagi." he sound like a mother. Yeah, mother. Sa grupo, si Anton talaga ang ganito. Parang nanay na nagagalit at pumupuna sa amin.  Natawa na lang ako. "Opo, nay." lagi namin syang tinutukso ng ganito pero ayaw nitong tinatawag ng ganun. "Eva! How many times do I have to tell you not to call me that?!" alam kong namumula na ito sa galit. "Oops. Opo. Sorry. Salamat sa concern. Good night, Ton. Muah!" sabi ko na lang tsaka nag-end call. Lagot na naman ako sa kanya bukas.  Yung victim naman, kung opinyon ko ang tatanungin, bagay lang na nangyari yun kasi drug dealer naman pala ito. Atleast, nabawasan na yung masasamang loob dito sa Marion. Alam ko namang totoong nag-eexist yung vampires. Serena nga ako ‘di ba? Tsaka nanay ko’y witch. No doubt may werewolves din dito at fairies at iba pa. Nag-aupgrade na rin naman pala ang mga supernaturals. Sana makameet rin ako someday ng iba pang weird creatures.  Ay, kahit anu-ano lang naiisip ko. Tama na nga ‘to. Haaayyy, makatulog na nga lang at managinip kay Amor. +++ Nagising ako dahil naramdaman kong parang may nanonood sa akin habang natutulog. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng kwarto. Tumayo ang mga halahibo ko sa braso ng makita ko ang ocean blue eyes with silver linings sa mga pupil nito dahil parang isa itong mabangis na hayop na handa na akong sugurin at patayin. For the first time in my life, nakaramdam ako ng takot sa isang nilalang. Hinay-hinay akong bumangon para abutin ang cellphone ko to call for help. Hinanda ko ang sarili ko sa anumang mangyayari pero huli na dahil nakalapit na ito, pinning me back at my bed. Doon ko napagtanto kung sino ito. With wide eyes, I tried to fight pero di ako nagsucceed. She's so strong. Hindi ko akalaing ganito pala sya kalakas. Magsasalita pa sana ako pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Na para bang nalulon ko na ang aking dila.  Ang magandang mga matang kinabibighanian ko'y takot na takot kong tinitignan sa ngayon. Mas lalo akong napamulagat ng makita ang dalawang nagtataasang ngipin nito na lumabas sa magkabilang labi nya. Oh god. Mamamatay na ba ako? I tried to say something. To scream pero para akong nahypnotize sa mga mata nito na ngayo'y nakatingin sa akin ng mabangis. ‘Amor, wag! Amor!’ Sigaw ko sa aking isipan.  Nagpumiglas ako pero sobrang lakas talaga nito. ‘Paano sya naging ganito kalakas?’ Unti-unting lumapit ang mukha nito sa leeg ko and I feel the coldness of her breath. Tumayo ang balahibo ko sa batok, hindi dahil sa pleasure pero sa takot dahil napifeel ko na ang mga fangs nitong nakabaon sa leeg ko. That was it. I scream in so much pain. "Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!" at napabalikwas ako ng bangon. Pawis na pawis kong dinama ang katawan ko. Whew! Buhay pa ako? Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko pero wala namang tao. Pero ang bintana ko’y nakaopen. Bakit open ‘to?  Bago ako tumayo para i-close ang bintana ng kwarto ko, pinakiramdaman ko muna with my one hand ang akala kong nakagatan ni Amor. Pero wala naman. Whew! Panaginip lang pala. Tumayo ako at isinara ang bintana.  ‘Nakalimutan ko siguro ‘tong isara.’ Bumalik ako sa kama habang napalingo-lingo. Kasi naman nagwish pa ako na makameet din ng weird creatures. Ayan tuloy nanaginip na lang ako ng masama. Haha! At sa Amor ko pa.  Hay naku! Di yun magagawa ni Amor sa akin. Kahit naman galit yun sa akin, ‘di ako papatayin nun. Kaya nga may kasabihan, Be careful what you wish for 'coz you just might get it. Tsk! Mabuting panaginipan ko na rin si Nicole Zcherzinger. Sorry Amor, panaginip lang naman. Oops! At maya-maya nga’y nakatulog na ulit ako.  +++ AMOR I sneak in to the room of Eva last night. Hindi ko na kasi napigil ang sarili ko dahil namiss ko na sya agad ng sobra.  Umupo lang naman ako magdamag sa tabi nito pero umalis ako agad. Pagkatapos, narinig ko syang sumigaw. Nagkaroon yata ito ng masamang panaginip.  Binalikan ko sya at ginamitan ng suggestion power ko para makatulog ulit. Haayy. Nag-alala na tuloy ako baka ganun sya tuwing gabi. Kaya naman nagpasya akong bantayan na lang sya gabi-gabi para masiguradong hindi sya babangungutin. Pagkatapos ng maikling minutong pag-idlip naregain ko naman ang strength ko. Heto nga't prepared na ako for school. Papunta na ako ng dining ng maoverheard ko ang usapan ng pamilya. "Dad, promise wala po kaming kinalaman dyan." rinig ko ang pagdedepensa ni Lloyd sa sarili. "Eh sino, Loy?" medyo galit na sabi ni Uncle Jared.  "Good morning." bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Lloyd. Hindi sila sumagot pero nakatingin silang lahat sa akin. Hindi ko naman mabasa ang expression nila. Eh? May dumi ba ako sa mukha? Napahawak tuloy ako sa mukha ko.  Baka may muta pa ako. Eww. Yumuko at nagpunas ako ng mata pero wala naman pala. Tsaka ako tumingin ulit sa mga ito na nakatingin pa rin sa akin. "Bakit? May problema ba?" Hindi ko naiwasang magtanong. Nagsimula na lang din akong kumain kahit ang weird ng mga kasama kong nakatitig pa din sa akin. "Lumabas ka ba kagabi, Iha?" tanong ni Uncle Jared. Napatigil naman ako sa pagnguya. "Ah opo, kel." sabi ko na nakatingin sa kanya. Nakatingin pa rin sila sa akin sa weird na expression. Creepy! "Saan ka nagpunta?" ay si Uncle napakanosy. Pati ba ‘to kailangan kong sabihin sa kanya? "Err... uhm. Bakit, kel?" di ko napigilang magsalubong ang kilay ko. "Just answer my question, Amor. With honesty." mariin na sabi nito. Err... okay. Something's wrong. Ba't ba ako iniinterrogate ni Uncle? Okay, sasabihin ko na kung saan ako galing. Ako kasi yung taong ayaw ng complications. Tsaka it’s no use na itago rin kung saan ako pumupunta. "Kay Ev." sabi ko at nagpatuloy kumain.  Narinig ko pang tumawa ng mahina si Note. Probably, tawang winner yun. Wala pa namang nagaganap na bukuhan sa amin ni Ev ah. Kung makatawa ‘to, slightly wagas ha. "Bakit po ba?" tanong ko na patuloy pa din sa pagkain. "Ito tignan mo." at inabutan ako ng dyaryo. Kinuha ko naman at binasa sa isip ko ang headline. Drug dealer ginawang hapunan ng Bampira? Nakasalubong ang mga kilay na binasa ko ang content. Isang drug dealer na nagngangalang Juan Molabe ang natagpuang patay sa eskinita ng Marion. Ayon sa autopsy, wala ng natirang dugo sa biktima. Parang sinipsip daw ito. They check for other evidences pero wala silang nakita except sa dalawang malalim na marka sa leeg nito. Kaya nag-assume na bampira daw ang salarin. Kasi kung karaniwang mamatay tao lang daw ang pumatay dito, syempre may iba pa silang makikitang bruises and scars o anumang internal or outward bleeding. Tsaka intact naman daw yung wallet, phone at lahat ng mga gamit nito. Kung ordinary killer daw yun possible na nanakawan din ito pero hindi eh. So, bampira? Oo, kumbinsido akong bampira nga ang may kagagawan nito. Binalik ko ang dyaryo ng mabasa ko na lahat ng detalye sa krimen. "Wala akong alam dyan, kel." sabi ko. Napabuntong hininga sya ng malalim. "Alam ko namang ‘di nyo magagawa ‘to. Worried lang ako. First time nangyari ‘to. Tsaka ano na lang sasabihin ng mga werewolves at witches sa atin? Na hindi tayo tumutupad ng usapan?" nahilamos nito ang kamay sa mukha. "Wait. You mean magkasundo ang witches at werewolves dito, kel?" naamazed talaga ako sa nalaman ko. "Yes, iha. Nagkasundo kami 200 years ago na magkaroon ng peace between the supernaturals dito sa Marion pero may mga area pa rin kaming pinoprotekhan. Ang kasunduan eh simple lang. Huwag papatay o mang-aapi ng kapwa supernaturals at lalo na tao. Naging maayos naman ang kasunduan for 200 years. Pero ngayon, may sumira nga ng kasunduan at kauri pa natin." stressed na sabi nito. So, may mga werewolves din pala sa Marion. Ba't hindi ko sila nararamdaman? "So, anong mangyayari ngayon, kel?" Curious kong tanong.  Sure naman ako na ako lang ang ‘di nakaalam sa peace agreement ng mga ito.  "May mangyayaring meeting between Councils maya-maya lang o basta ‘di matatapos ang araw na ‘to na walang meeting na mangyayari. Kung mahuhuli yung salarin, probably wala ng kapatawaran yung krimen na nagawa nya. Death sentence agad ang pataw sa kanya." mababakas ang takot sa mukha ni Lloyd ng sabihin nya ito. Okay. Siguro it was so scary talaga.  "So, what do you mean by death sentence? Eh paano ba pinapatay ang supernaturals?" curious talaga ako. "Tinoturtore for a week tapos sinusunog after gutay-gutayin yung katawan ng lumabag sa agreement." sabi ni Clef na napashiver pa na akala mo’y nafeel nya talaga yung parusa.  "Oww. Harsh naman." sabi ko. Matinding parusa yun ha. "Eh akala ko ba four years ago lang kayo narito Kel? Pero ba't mo nasabing nagkaroon kayo ng agreement 200 years ago?"  "380 years ago, naconvert ako bilang vamp. Naging scavenger ako ng mga panahon na yun at laganap pa ang p*****n ng tao from supernaturals. Nakita ako ng mayamang vamps na Manuel at inampon ako. Inalagaan nila ako at binihisan ng magara. Tinuruan sa pagcontrol at sinanay sa pagiging vegetarian. Dahil mabait naman sila, ginagalang din naman sila ng mga other supernaturals. Pero medyo suwail din yung tunay na anak nila na si Luigi. Palaging sumusuway sa utos ng matatandang Manuel. Hindi namin sila makasundo ni Ariel (Tatay ni Amor). Hanggang sa isang gabi, may nakaaway si Luigi sa isa sa mga werewolves at napatay nya ito. Pinaghahanap naman sya ng mga kasamahan ng werewolf. Pinagbintangan nila ang matatandang Manuel na tinatago lang daw nila si Luigi kaya pinatay nila ang matatandang Manuel. Nalaman yun ni Luigi at hinikayat ang lahat ng vamps sa Marion na maghiganti pero hindi ako sumali dahil kahit na sobrang nasaktan ako sa ginawa nila sa foster parents ko'y ‘di ko mabali ang promise na isinumpa ko sa kanila before sila nawalan ng hininga sa mga kamay ko." malungkot na pag-alala ni Uncle. "Ano naman yung pangako mo, Kel?" buti na lang maaga kaming nagbebreakfast kaya mataas pa oras namin sa kwentuhan. Habang ang tatlo namay nakikinig lang sa amin ni Uncle. "Na papairalin ko ang kabutihan sa puso ko kahit pa nga marami ng nasaktan."  "Bait naman nila Lolo't lola. Ano pong nangyari pagkatapos?" Naging interesado na ako. Hindi kasi nakwento ni Papa ‘to sa akin. "Umalis kami ni Ariel. Namuhay ng mapayapa sa malayo. Nakabalita na lang kami na gumulo na masyado dito sa Marion sanhi ng away ng vampires at werewolves. Nalaman ng Supreme Arch yung nangyari at ginawa ang lahat ng way to settle the havoc. Kaso matigas ang ulo ni Luigi, kaya ayun pinarusahan sya ng Supreme Arch pero nakatakas ito at hindi ko na alam kung saan nagtungo. So, nagkaroon ng peace agreement after the war between the Werewolves at Vampires. Dahil ayaw rin ng witches ng gulo, nakiisa na rin sila sa agreement. Kaya bumalik ako sa Marion 4 years ago pagkatapos ng burial ng Auntie Tina mo." Tumango ako. Ganun pala ang nangyari. So, paano na ngayon ‘to? Na may nanggugulo na naman sa agreement ng mga supernaturals?  Anyway, si Auntie Tina ang asawa ni Uncle Jared na mama ni Lloyd. Vamp doctor din ito. Namatay ito dahil sa epidemic na lumaganap sa hospital na pinagtrabahuan noon. Hindi na kinaya ng anumang vampire antidotes para pagalingin si Auntie dahil mabilis itong kinain ang cells o laman ng vamps. Sa ordinaryong tao, seconds lang aabutin at patay na ito.  Pero ang hinala nila uncle, para talaga yun sa vamps. Dahil lahat ng vampire doctor na nagtrabaho dun, lahat patay. Even ang bite/venom ng vamp hindi rin umepek. Bakit? Dahil pagsinubukan mong kagatin yung pasyente to save them, yung lason bibilis ding kakabit sa’yo na ikamamatay mo agad. Palaisipan pa rin kung sino ang may gawa nun. "O sya sige na. Baka malate na kayo. Hayo na." pagtataboy ni Uncle sa amin. Bukas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. "Loy, ikaw na ang bahala sa mga pinsan mo ha. Alam mo na kung anong gagawin." sabi pa nito sa nakatayo ng si Lloyd. Tumango lang si Lloyd. Nanibago ako sa pananahimik nya.  Pagkatapos naming makapagpaalam at maremind ni uncle sa dinner with his friend ay umalis na kami. Sino kaya ang killer na yun? Sana naman ‘di na maulit ang pagpatay. Ayaw ko ng makakita ng may mga namamatay. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. +++ Nagkaroon rin ng interrogation sa loob ng sasakyan. Hiningi ni Lloyd sa akin ang lahat ng detalye sa pagpunta ko kina Ev at sinisingil na ako ni Note sa Lambo nya. Sabi nito'y panalo na sya. Nagsaya na nga sila ni Clef pero sabi ko wala pang bukuhan na nangyari. Kinonfirm naman ni Clef sa pagbasa ng nasa isip ko. Yun ang isa sa mga gift nya ng naging vampire ito. At ng maconfirm nya na nagsasabi ako ng totoo, binelatan ko na lang ang disappointed na si Note. Pagdating namin sa school, biglang nagpaalam si Lloyd. Humigpit ang Security sa paligid na ikinatawa ko ng mahina. Hindi naman enough defense ang pagdagdag ng normal na security guards sa hangal na bampira.  Nakitawa na rin si Clef dahil parang narinig nya ang nasa isip ko samantalang si Note nama'y nagfurrow eyes. Haha! Hindi rin naman ako natatakot na mabasa ni Clef parati kasi marunong naman akong magblock ng thoughts. Automatically, hinanap ko ang amoy ni Ev. Naconfirm kong nasa school na rin nga ito. Pumunta na ako ng locker at pinigilan ang sariling huwag mapatakbong umattend ng first period. Mabuti na lang nagbell na.  +++ EVA "Ev, relax lang. Darating din yun. May first period din yun eh." sabi si akin ni Jon ng ‘di ako mapakali sa upuan ko. "Uhhumm." sabi ko na lang.  Umayos ako ng upo pero ang mga daliri ko’y tapping the arm chairs tremendously. Napalingo-lingo na lang si Jon at nangiti sa impatience ko sa pagdating ni Amor. Nakwento ko na pala na nagsorry na si Amor sa akin at 'magkaibigan' na uli kami. Masaya naman itong kinongratulate ako na para bang nanalo ako sa lotto. Exaggerated talaga minsan ‘tong mga kaibigan ko. "Teka. Nasaan si Anton?" sabay lingon at tingin sa paligid ng classroom. "Ewan." kibit-balikat ni Jon. Eh? Walang paki? "Nagseparate kami kanina papasok dahil magbabanyo daw ito. Nandito na yun maya-maya lang. Ganun naman pala. Akala ko walang paki ang mokong sa isa pang topakin kong kaibigan. Oops! Buti nga pala wala pa si Anton baka ratratan kasi ako sa ginawa ko sa kanya kagabi. Speaking of last night, alam kaya ni Jon ang tungkol sa nangyaring krimen kagabi?  Magsasalita na sana ako ng nakuha na ang atensyon ko ng pinakamagandang nilalang na paparoon na sa kinauupuan namin ni Jon.  "Good morning." ngumiti ito at naupo na sa tabi ni Jon. Nakatunganga lang naman ako with mouth opened a little.  "Good morning, Amor." tsaka ako siniko ni Jon. Ay, oo nga pala. Natulala ako sa ganda nito eh, bakit ba? "G-good morning, beautiful." sabi ko at nagsweet smile. Yay! Kailangan ko ‘to. Ngumiti lang din ito sa akin at natulala na naman ako. Pumasok na ang English Teacher namin ng before pa nagfinal bell. Nagconcentrate na rin ako sa klase dahil baka mapahiya na naman ako kay Amor. Dun ko napansin na wala pa rin si Anton at si... Lloyd? Ha? Impossible namang magkasama silang dalawa eh hindi nga nagpapansinan ang mga yun. Tinext ko na lang ng palihim si Anton, asking him kung nasaan ito. Okay naman ang pakikitungo ni Amor sa akin, kaso lang aligid naman ng aligid si Caloy pagnagkakatime ito. Nagseselos ako pero I play it cool kasi mukha namang uneasy rin si Amor dito. Buti nga sa kanya!  Tsaka ko naman naremember si Mr. Kupido. Sige, itetext ko ito mamaya para mapabilis ang usad ng pag-angkin ko kay Amor. At sa isiping yun, masaya akong lumabas ng first period pagkatapos na hayaan ako ni Amor na ihatid sya sa room ng second period class nya. Natapos ang klase ko ng ‘di mawawala ang smile sa aking labi. Biruin mo, ang smart pala ng Amor ko. Tinuruan nya ako all the way sa physics at Calculus. Dami kong natutunan dito.  Smart naman ako pero medyo tamad lang talaga ako mag-aral kaya madali akong makalimot sa lectures. Charot! Pero may inspirasyon na ako, kaya kailangan ko na ring magpaimpress at mag-aral ng mabuti. At lunch time na, kanya-kanya nga kami ng table ni Amor pero todo glance at smile naman kami sa isa't isa. Nagkaroon tuloy ako ng more hope na ipursue ang pag-ibig ko dito dahil sure akong mahal pa rin nya ako. I can feel it.  Tinext ko na rin si Mr. Kupido. Sabi nito'y magmimeet daw kami after class. Ayun! Oh Amor, magiging akin ka na ulit. "Ev, lapitan mo na kaya. Hindi yang para mo ng tutunawin ng tingin mo dyan si Amor." tudyo ni Jon.  "Uyyy... si Ev nakahanap na ng katapat. Goodbye to the playgirl Ev, welcome Lover girl Ev." fake cry ni Miko.  Naku! Ako na naman ang nakita ng mga ungas na ‘to. Tinapunan ko ng piece of salad si Miko na nailagan naman nya. Tawa ito ng tawa. Natawa na rin ako. "Huwag nyong paglaruan ang pagkain. Maraming batang nagugutom." sabi ni Joma. Uh? Serious look huh? Parang iritable ito ngayon. Kanina pa ito sa third period iritable. "Eh bakit? Pagkinain ba namin lahat ng yan mabubusog sila?" napalo ko ng mahina ang aking noo sa pagiging insensitive ni Miko.  Mabuti na lang at death glare lang binigay ni Joma dito. Hindi ko pa nakikitang nagalit si Joma eversince pero according sa mga narinig kong kwento ng mga ungas na ‘to, para daw itong si Incredible Hulk kung magalit. At ayaw kong makita yun. "Oh, oh. Relax dude. Ano bang problema mo? Nasira ba glasses mo? Ba't hindi mo suot?" si Miko. Naging uneasy naman si Joma. Nakatingin lang din kaming apat sa kanya. "Okay ka lang, Jom? Ano bang nangyari sa glasses mo?" may pagkablind si Jom since birth kaya kakambal na nito ang glasses. "Ehh... natapakan ko kaninang umaga kaya wala ako sa first at second period dahil binilhan ko na lang sya ng contacts. Mas bagay naman, ‘di ba?" salo ni Anton. "Ah, oo nga. Mas pumogi ka, Jom." sabi ni Jon. "Siguradong tutulo laway ni Jane lalo."  Nagblush lang ito at nakayukong kumain. "Ang cute ni Jom." sabi ko at tumawa. "Sya nga pala, yung namatay kagabi, totoo ba yun?" tanong ko kay Anton. Hindi makatingin si Anton sa akin pero sinagot pa rin nya ang tanong ko.  "Naku. Hindi naman totoo yung bampira. Siguro mabangis na hayop lang yun. Exaggerated lang yung mga autopsy ng police." sabi nitong uminom sa tea nito then glance quickly sa table nila Lloyd. Nakita ko yun. Napataas kilay ako. Something is wrong. Hindi magaling si Anton sa pagsisinungaling. Naramdaman ko ang kaba sa boses nito. "Weird. Hindi naman nag-eexist yung mga yan eh. Wala na talagang magawa yung mga pulis kundi gumawa na lang ng kwento para gawing excuse sa kakalungan nila to solve crimes." si Miko. "Tsaka kung meron man, siguro masarap humalik ang babaeng vampire." tsaka napalick ito sa kanyang lips. "Ang perv mo talaga, Mik." sabi ni Jon. "Basta mag-ingat na lang tayong lahat. Never lose contact in case may ‘di magandang mangyari sa isa sa atin." Tumango na lang kami at iniba ang usapan. Halata kasing hindi kumportable si Anton at Joma sa usapan. +++ Natapos ang klase at nagkita nga kami ni Mr. Kupido sa gym. Nashock ako ng malaman ko na kilala ko pala ito. Nagtagumpay naman akong iwasan si Amber. Kailangan ko na talagang kausapin ito ng masinsinan para wala ng magiging hadlang sa amin ni Amor. Masaya ako sa impormasyon na nakuha ko sa kanya. Tama pala all the way ang hinala namin. Na kilala talaga ako ni Amor at mahal pa nya ako pero galit lang ito sa akin dahil hindi ako tumupad sa usapan namin. So, ang plano ni Mr. Kupido ay isasakatuparan mamayang gabi sa dinner sa bahay.  Paano? Dahil nalaman ko mula rito na ang Uncle Jared nila, ang boyfriend ng mama ko. Kaya kahit hindi ito makakapunta, pupunta naman daw si Lloyd at Amor.  Magtatapat na ako kay Amor tonight at hihingi ng tawad. Sana nga lang enough ang pagmamahal nito sa akin para mapatawad ako. Pero gagawin ko ang lahat para mapatawad nya lang ako. Pagkatapos akong i-assured ni Mr. Kupido na tutulungan talaga nya ako kay Amor, umalis na ako ng may ngiti sa labi. Nagpraktis kami ng maaga para maaga rin kaming matapos. Tampulan na naman ako ng tukso dahil sa masayang aura ko. Haayy. May araw rin ang mga to sa akin.  Nagmamadali akong umuwi ng bahay para magpaganda ng bonggang-bongga for my one and only Amor. Sisiguraduhin kong tutulo ang laway nya pagnakita ako tonight. So pervy? Nah, I really want her back. As in badly. Haayyy, Amor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD