EVA “‘NAK, oh wow. Ang aga mo ha? Nakaluto ka na rin tsaka bihis na for school. Ganyan ka kainspire? Patirahin na lang kaya natin si Amor dito para lagi kang ganyan." amused na sabi ni Mama Fe. Oo, maaga akong nagising. Nagluto ng almusal. Naligo at nagbihis for school. At ngayon nga’y kumakain na. Ganun ako kainspire! "Oooh... Magandang idea yan, Ma. Kailan sya lilipat, ma?" nakiride on na lang din ako. Tumawa ito at lumapit na sa dining table. Nakapambahay pa ito. "Wala kang pasok, Ma?" Tanong ko ng mapansing hindi ito nagmamadali. Nilunok muna nito ang kinakain bago nagsalita. "Sasamahan ko ang Uncle Jared mo para mapabilis ang approval ng pagjoin ng Serenity sa peace treaty, ‘nak. Deserving rin naman ang mga kalahi mo na mapabilang sa mapayapang kasunduan ng supernaturals." Ah

