Maaga akong magising. Naligo agad ako para maagang makarating sa school. Kuya Rence would drive us. Nandito kasi talaga si Ania. Pinuntahan niya ako sa kwarto kagabi para mag-good night lang. Hindi na ako nakipag-usap pa sa kaniya kagabi kasi inaantok na talaga ako. Hindi na nga ako nakakain ng hapunan. Kaya ngayon ay medyo kumakalam na ang sikmura ko. I don't know kung bakit nandito na si Ania, hindi ko naman kasi rin tinanong sa kaniya kagabi. Ngayon ko pa lang balak magtanong sa kaniya. Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis. I tried to manage my time well. Baka kasi mamaya ay ma-late ako dahil sa traffic. So, I need to move faster. Medyo mahaba pa naman ang oras ko. I still have 1 hour left before my class today. After spraying perfume on my clothes and neck ay lumabas na

